Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga bakunado lang sa kolehiyo balik-eskuwela

0 174

NAGBIGAY na ng go signal ang Inter-Agency Task Force para sa limited face-to-face classes sa kolehiyo sa mga lugar na nasa alert level 1.

Ito ang inihayag ni acting Deputy Presidential Spokesman Kris Ablan sa press briefing sa Malacañang matapos ang pulong ng IATF nitong Huwebes.

Sinabi ng opisyal na nagluwag na ng restrictions sa mga lugar na nasa alert level 1 kaya pinayagan ng IATF ang rekomendasyon ng Commission on Higher Education (CHED) para sa limited face-to-face classes na may 100% seating capacity sa classroom.

“Pinapayagan na rin ang pagkakaroon ng limited face-to-face classes sa kolehiyo o higher educational institutions sa mga lugar na nasa alert level 1 base sa rekomendasyon ng CHED,” ani Ablan.

Gayunman, bago tuluyang makapagbukas ng limited face-to-face classes sa kolehiyo, may mga panuntunang dapat sundin ang mga kolehiyo.

“They shall take the self-assessment checklist and operate under self-reopening,” dagdag ni Ablan.

Kailangang ang papasok lamang sa kolehiyo o unibersidad ay mga fully vaccinated na mga guro, estudyante at staff. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.