Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga bagong santo prinoklama ni Pope Francis

0 88

Sinaksihan ng libo-libong Katoliko ang opisyal na proklamasyon ni Pope Francis sa mga bagong santo sa idinaos na Misa sa St. Peter’s Square sa Vatican City noong Linggo.

Dumalo sa pagtatanghal ng mga bagong santo na kinabibilangan ng isang ermitanyo, martir, journalist, Frenchman na pinaslang sa disyerto, Dutch priest na pinatay sa Nazi concentration camp at isang Indian lay convert sina France Interior Minister Gerald Darminin at Italian President Sergio Mattarella.

Dahil sa opisyal nilang proklamasyon, kasama na ang kanilang larawan sa mga nakasabit sa paligid ng pinakamalalaking Basilica. Itinatakda ng Simbahang Katolika na dapat magpakita ng milagro bilang unang­ hakbang sa pagiging santo ang isang indibiduwal bago ito mabetipikahan at tawaging ‘blessed’.

Kinilala sa Pransya ang mananaliksik at paring Katoliko na si Charles de Foucauld bilang ‘most celebrated man of faith’. Pinaslang siya ng mga bandido noong Disyembre 1, 1916 dahil sa kanyang marubdob na paniniwala sa Kristiyanismo.

Inaresto naman noong Hulyo 26, 1942 ang Dutch Carmelite priest at journalist na si Titus Brandsma dahil sa paglaban sa mga Nazi noong World War II. Namatay siya sa Dachau concentration camp noong Hulyo 26, 1942 matapos saksakan ng carbolic acid. Nabetipikahan siya noong 1985 nang mapagaling niya ang isang carmelite priest sa karamdaman nito.

Si Devasahayam Pillai na kilala bilang Lazarus ang kauna-unahan naman na Indian na naging santo dahil nai-convert niya ang Hindu sa pagiging Katoliko noong 1745 habang nagtatrabaho siya sa Royal Palace. Inaresto at binaril siya sa kagubatan noong Enero 14, 1742. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.