Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga bagong lodi kuminang sa NBA

0 47

SIBAK na ang defending champions Milwaukee Bucks matapos sipain sa do-or-die Game 7 ng mas mga bata at mga bagong NBA superstar sa Boston Celtics sa pangunguna ni Jayson Tatum, katuwang sina Jaylen Brown at Marcus Smart.

Nabalewala ang near triple double effort ni two-time Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo na 25 points, 20 rebounds at 9 assists dahil tinambakan sila ng mga mas determinadong Celtics 109-81 kahapon.

Siyempre pa, pasiklab ang mga bagong sibol na NBA stars na sina Tatum (23 points), Brown (19) at Smart (11) sa atake ng Celtics, na huling sumampa sa Eastern Conference Finals noong 2016-2017 season.

Makakaharap nina Tatum, Brown, Smart at Boston sa East finale ang Miami Heat na bitbit ng kamador na si Jimmy Butler.

Ginulat din nina Luka Doncic at ng Dallas Mavericks ang top-seed Phoenix Suns sa isa pang do-or-die Game 7.

Bakasyon na ang Phoenix nang durugin ng Mavericks, 123-90,nkahapon din para makabalik sa Western Conference Finals mula 2011 kung saan sila nagkampeon sa pamumuno ni legend Dirk Nowitzki.

Kumamada ang isa pang bagong sibol na superstar na si Luka ng 35-10-4 output para makakuha ng tiket sa West Finals katapat ang many-time champions Golden State Warriors nina Steph Curry, Klay Thompson at Draymond Green.

Kaya ayan mga ka-Abante, tiyak na exciting na naman ang NBA Conference Finals.

Buhay pa ba ang mga team n’yo sa NBA?

Kapit lang dahil malapit na ang championship, sino kaya ang papasok?

Miami o Boston? Golden State o Dallas?

iframe width=”840″ height=”630″ src=”https://www.youtube.com/embed/iPvh0PeOLg4″ title=”YouTube video player” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen>

Leave A Reply

Your email address will not be published.