Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga bagong kandidatong senador sakalam

0 271

Iba dating ng mga bagong kandidatong sasabak sa Senado sa 2022 national elections.

Sa pagsabak nina Pangulong Rodrigo Duterte at kareretirong si PNP Chief Guillermo Eleazar ay mapapa-wow ka na talaga sa hanay ng mga kandidato sa Senado.

Mga bagong pangalan sa Senado bagama’t luma na sa larangan ng pagseserbisyo ay maikukunsidera pa rin nating baguhan dahil masusubukan natin ang kanilang husay sa paglikha ng mga batas.

Hindi sa nagkukumpara tayo pero kung ang pagpipilian lang naman ay ang mga nagbabalik na mga politiko sa Senado mas mukhang mabango sa mga botante sina Pangulong Duterte at General Eleazar.

Kumbaga kasi ay nasubukan na kung paano ginampanan ng mga nagbabalik sa Senado ang kanilang papel kaya hindi malayong mas mananaig ang mga bagong mukha kumpara sa mga datihan na.

Sa totoo lang sa dami ng kumakandidato sa Senado halos pabalik-balik na lang ang karamihan habang ang iba naman ay magkakamag-anak na pawang mga personal na interes lamang ang sinusulong at pinoprotektahan.

***

Naagaw ang aking atensiyon kaugnay sa statement ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang Malacañang ang responsable sa matagumpay na pagkakaaresto sa magkapatid na Twinkle at Mohit Dargani, kapwa executives ng kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceuticals Corporation.

Sinabi ni Roque na ang Ehekutibo ang pumigil sa pagtakas sana ng magkapatid na Dargani puntang Malaysia dahil under ang airport ng executive branch.

Maaari aniyang palagpasin ang magkapatid sa airport kung ginusto ng ehekutibo kaya hindi solo ng Senate Sergeant at Arms ang kredito sa pagkakasakote ng dalawang Pharmally executives.

Ano kaya reaksiyon ng Senado sa pang-aagaw ng kredito ng Palasyo?

Ang hanash nga ng madlang pipol baka kung hindi nagtrabaho ang Senate sergeant at arms ay hindi mabubulabog ang magkapatid na matagal nang pinaghahanap ng Senado at naka-fly na sa Malaysia.

Pero opinyon ito ng Malacanang bahala na lang silang magpaliwanag sa Senado dahil kahit mga ‘Marites’ ay hindi benta ang pag-ako ng Palasyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.