Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga bagong hirang na Pambansang Alagad ng Sining kilalanin natin

0 66

Nitong Huwebes, sa Bulwagang Rizal sa Palasyo ng Malacanang, isinama na sa Orden ng Pambansang Alagad ng Sining ang mga bagong hinirang na mga artista ng bayan.

Ang walong iniluklok bilang mga Pambansang Alagad ng Sining ay sina Agnes Locsin sa sayaw, Salvacion Lim-Higgins sa Disensyo at Fasghion, Marilou Diaz-Abaya, Ricardo “Ricky” Lee, Nora Cabaltera Villamayor na mas tanyag bilang si Nora Aunor, para sa Pelikula at Broadcast Arts, Gemino Abad sa Pantikan, Fides Cuyugan-Asensio sa Musika, at Antonio “Tony” Mabesa sa Teatro.

Sila ay idineklara bilang mga bagong Pambansang Alagad ng Sining sa bisa ng Presidential Proclamation no. 1390 na nilagdaan noong Hunyo 10, 2022.

Si Locsin ay ginawaran ng National Artist Award para sa kanyang mga gawa at tagumpay sa larangan ng sayaw na nag-udyok sa lumalagong interes sa neo-ethnic na istilo sa mga kabataang artista.

Para sa kanyang mahusay na inobasyon at pagbabago ng pambansang kasuotan na maging isang world-class na silhouettena nagbibigay inspirasyon sa mga henerasyon ng mga Filipino designer, ang dahilan kaya naging National Artist si Higgins.

Si Diaz-Abaya ay naging National dahil sa kanyang mga gawa na nagsusuri sa mga karanasan ng tao na hinango mula sa mga kaguluhan sa lipunan sa pagitan ng mga karakter ng magkasalungat na paniniwala at mga sistema ng halaga, mga gawa na naging bahagi ng “Ikalawang Gintong Panahon ng Philippine Cinema”. Ilan sa mga pinakatanyag na pekiula nidirek marilou ay “Brutal”, “Karnal”, “Moral”, “Jose Rizal, The Movie”, “Muro-Ami” at “Bagong Biwan”.

Si Lee na ikalawang National Artista for Fil at Broadcast Arts ay isinama sa Orden para sa kanyang paggawa ng screenwriting sa mga pelikulang naging bahagi ng “Second Golden Age in Philippine Cinema.”
Para sa kanyang award-winning na paglalarawan ng mga pang-araw-araw na katotohanan at adhikain ng karaniwang tao sa ilan sa mga pinakamahahalagang pelikulang Pilipino, ang paliwanag ungkol sa pagiging ikatlong Film and Broadcast Arts national Artist ni Aunor. Ang mga pelikula niyang “Atsay”, “Boma”, “Ina Ka ng Anak Mo”. “Merika” at “Himala” ay mga halimbawa ng pinakamamahalagang pelikulang Pilipino.

Si Ginoong Abad, para sa kanyang akdang pampanitikan na binubuo ng mga historikal na antolohiya na nagbibigay sa mga susunod na henerasyon ng komprehensibong pananaw sa tanawin ng mga tula at kathang-isip sa Pilipinas.

Kay diva Asencio, para sa kanyang trabaho at tagumpay sa larangan ng opera na malaki ang naiambag sa Renaissance ng classical music theater sa bansa.

At si Tony Mabesa ay iginawad sa Order of National Artist Award para sa kanyang trabaho bilang direktor, aktor, at guro na nag-ambag sa paglago at pagkakaiba-iba ng teatro sa Pilipinas.

Ang mga National Artist ay binibigyan ng ilang mga pribilehiyo, kabilang ang isang cash award na P100,000 para sa mga nabubuhay na awardees at P75,000 para sa posthumous awardees, na baibibigay sa kanilang mga legal na tagapagmana.

Bukod pa sa medalyon, meron din silang buwanang pensiyon, mga benepisyong medikal at pagpapaospital, pati na rin isang lugar ng karangalan sa mga pambansang tungkulin ng estado at pagkilala sa kultural. mga pangyayari.

Leave A Reply

Your email address will not be published.