Una sa Balita

Mga bagong batas

By
0 1,112

Kamakailan lamang ay inanunsyo ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pag­lagda ni Pangulong Duterte sa apat na batas na pinagsikapan natin at binuo sa Kamara, kaakibat ng ating mga kasamahan sa Senado.

New Central Bank Act.
Sa pamamagitan ng bagong Central Bank Act, tataas ang authorized capitalization ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula P50 bilyon sa P200 bilyon. Sa pamamagitan nito, pinalalakas natin ang kakayahan ng BSP na makipagsabayan sa mga mak­a­bagong pangangailangan sa ekonomiya at sistemang pambangko sa bansa.

SSS Rationalization Act.
Pinalawak ng batas na ito ang investing capacity ng SSS upang makalikom ito ng mas mataas ng kita para sa kapakinabangan ng mga miyembro nito at pensioner. Nilalayon din ng batas na magkaroon ng 100% coverage ang mga OFW.

Rice Tariffication.
Sa pamamagitan ng tariffication, umaasa tayong hindi na kakapusin ang bansa sa bigas. Tatanggalin ng batas ang mga quota ng importasyon ng bigas at papalitan ito ng buwis na 35% kung ang bigas ay galing sa ASEAN at 50% naman sa iba.

Political Ads.
Mula sa 30% discount sa ads sa telebisyon, at 20% sa radyo, magiging 50% na ang diskuwento sa TV at 40% naman sa radyo para sa mga political ads ng mga kandidato. Layon nitong maging mas abot kaya ang pagpapakilala, pagpaparating ng adbokasiya at voter education sa panahon ng eleksyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy