Una sa Balita

Mga bagong batas paggawa, daan sa pagbuti ng trabaho

0 1,523

Ayon po sa April 2019 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Autho­rity, umabot po sa 1.346 milyong trabaho ang nalikha para sa unang quarter ng taong 2019.

Umabot po sa kabuuang 42.242 milyong Pilipino ang may trabaho, mataas ng 3.3% kumpara sa 40.896 milyong Pilipinong may trabaho na naitala noong 2018.

Nangunguna pa rin po sa may pinakamaraming bilang ng manggagawa ang services sector tulad ng transportation at retail trade (58.5%), sumusunod po ang agriculture sector (22.3%) at industry sector tulad ng manufactu­ring (19.2%).

Kung susumahin, pinakamalaking bilang pa rin po sa mga nabibigyan ng trabaho ang mga graduates ng tech-voc at mga skilled worker.

Naitala rin po ang mas mababang bilang ng mga walang trabaho, 5.1% o 0.4% na mas mababa kumpara sa 5.5% na unemployment rate noong Abril 2018. Samantala, bumaba rin po ng 1.226 milyon ang bilang ng mga underemployed o mga manggagawang mababa sa 40 oras ang trabaho kada linggo.

Ang masayang pagbabago sa kondisyon ng trabaho sa bansa ay bunga po ng mga isinulong nating mga bagong batas paggawa at sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa nagdaang tatlong taon, sunod-sunod po ang ginawa nating pagsususog sa 45-taong Labor Code of the Phi­lippines.

Pangunahin po rito ang Republic Act 11058 o ang “Occupational Safety and Health Standards Law” para tiya­king ligtas at malusog ang mga manggagawang Pilipino.
Nagpanukala rin po tayo ng mga bagong batas para makasabay ang ating mga manggagawa sa pag-usbong ng mga bagong industriya at uri ng trabaho bunsod ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at globa­lisasyon.

Malaking tagumpay rin po para sa ating mga manggagawa ang Republic Act 11165 o ang “Work-from-home Law” gayundin ang “Alternative Working Arrangements Bill” na naghihintay na lang po ng lagda ng ating Pangulo.

Tigib po tayo ng pag-asang lalagdaan ng ating Pangulo sa lalong mada­ling panahon ang isinulong nating “Security of Tenure Bill” na isa sa kanyang mga pangako sa kampanya noong 2016.

Kaya’t patuloy po ta­yong nakikipagtulu­ngan sa TESDA para sa agarang pagpapatupad ng Republic Act 11230 o ang “Tulong-Trabaho Act” na magtatakda ng bagong pondo at mga bagong programa para sa training ng mga unemployed at kasaluku­yang manggagawa.

Tiyak din pong mas madaling makakapasok sa trabaho ang mga fresh graduates kapag tuluyan nang naipatupad ang Republic Act 11261 o ang “First-Time Jobsee­kers Act.”
Job Fair Schedule:

CLSU Job Fair—CLSU Campus, Munoz, Nueva Ecija—June 24

LGU Conner Job Fair—Caglayan, Conner, Apayao—June 25

60th Araw ng San Francisco Job Fair—San Francisco, Agusan del Sur—June 26

(senatorjoelvilla­nueva@yahoo.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy