Una sa Balita

Mga bagitong Soto, Alvarez magtutuos sa World Series

0 347

ANG 2019 Fall Classic, magiging Battle of the Mound.

World Series na magkakatalo sa mga kamador na pitcher ng Houston Astros at Washington Nationals.

Si Gerrit Cole ang unang isasalang ng Astros sa Game 1 sa Minute Maid Park sa Houston. Sunod na starter sa series sina Justin Verlander at Zack Greinke.

“We got some pretty big boys that can pitch,” deklarasyon ni Astros manager AJ Hinch.

Meron din sa rotation ng Nationals – sina Max Scherzer, Stephen Strasburg at Patrick Corbin. May Anibal Sanchez pa silang nakaabang.

Sa Miyerkoles (araw sa Manila) ang opener ng best-of-seven series.

Hahabulin ng Astros ang pangalawang World Series crown sa nakalipas na tatlong taon. Magde-debut sa Series ang Nationals.

Nakarating na sa World Series ang Washington, pero kilala pa silang Senators noong 1933.

Hindi rin nawawala ang big hitters.

Sina Houston sluggers Jose Altuve, Alex Bregman at postseason star George Springer. Si Altuve ang kumonekta ng homer para kalusin ang Yankees sa Game 6 ng AL Championship Series noong Sabado.

Sa Washington si Anthony Rendon.

Tapatan ng top shortstops na sina Trea Turner ng Nats at Carlos Correa ng Astros.

Sa unang pagkakataon ay magtutuos sa big stage sina rookies Juan Soto ng Nats at Yordan Alvarez ng Astros. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy