Una sa Balita

Mga bagitong senador sumalang sa briefing

0 490

HINDI pa man naidedeklara ng Commission on Elections (Come­lec) ang mga nanalong senador sa midterm elections ay mistulang sinimulan na ng liderato ng Senado ang briefing sa mga kandidato ng PDP-Laban.

Ito ay nang mag-host si Senador Manny Pacquiao, campaign manager ng PDP-Laban ng isang dinner kasama sina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, Se­nate President Pro Tempore Ralph Recto at Senate Majority Leader Migz Zubiri.

Kasama sa dinner ang mga pambato ng PDP-Laban na sina Senador Koko Pimentel, dating Special Assistant to the President Bong Go, dating PNP chief Bato dela Rosa, dating MMDA Chairman Francis Tolentino at dating Senador Bong Revilla.

Sa Facebook account ni Recto, ipinost nito ang kanilang larawan na may caption na “1st dinner meeting with incoming senators, hosted by Senator Manny Pacquiao.”

Umani naman ng magkahalong puri at batikos ang post ni Recto.

“Death penalty endorsers, sila sina kamatayan. anti poor agad ang isusulong ng mga walanghiya,” komento ng isang FB user.

“I only see 4 senators that is really fit fo the word senator,” dugtong naman ng isa pang user. (Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy