Una sa Balita

Mga bagito sa PH 5 tuturuan ni Pingris

0 305

MATAGAL-TAGAL ring suot ni Jean Marc Pingris ang ­national colors ng Pilipinas sa international games.

Nang abutin ng sunod-sunod na injuries, ­pansamantalang nagarahe ang 6-foot-4 power forward.

Inakala ng defense specialist ng Magnolia na tapos na ang serbisyo niya sa National team, kaya ganu’n na lang ang gulat nang tawagin ulit ng ­Samahang ­Basketbol ng Pilipinas ang kanyang ­numero para isama sa ­24-man pool ng Gilas Pilipinas.

“Akala ko nga biro lang at hindi ko inakala na ­masasama ako kahit sa pool man lang,” lahad ng 38-anyos na tubong Pozorrubio, Pangasinan.

Feeling blessed daw siya na maikonsidera ulit.

“Walang-wala sa isipan ko na iko-consider man lang ako dahil ang tagal nating na-layoff, and ­talagang wala pa sa 100 percent,” dagdag ni Pingris.

Handa rin aniya siyang maging mentor ng mga mas bata sa national squad.
“Kundi naman, basta kung ano maituturo ko sa mga bata,” aniya.

Pero dahil sa binigay na tiwala sa kanya, nangako siyang itotodo ang lahat para masama sa final 12 na isasabak ng SBP sa February window ng FIBA Asian Cup Qualifiers.

Sa kalagitnaan na ng huling Commissioner’s Cup nakabalik si Pingris mula ACL tear na nakuha sa 2018 Philippine Cup playoffs kontra NLEX.

Sina Pingris at Japeth Aguilar na lang ang kasama sa pool na kasama sa Gilas squad na naglaro sa 2013 FIBA Asia at 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Huling nagsuot ng Gilas uniform si Ping noong 2015 FIBA Asia Cup sa China.
May 13 amateurs sa pool sa pangunguna nina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi at kambal na Matt at Mike Nieto. Isinahog din sina Thirdy Ravena, Jaydee Tungcab, Juan Gomez De LIano, Kobe Paras, Dave ­Ildefonso, Javi Gomez De Liano, Dwight Ramos at ­Justine Baltazar. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More