Una sa Balita

Mga bading na patron ni player nagsuguaran

0 530

For sure, walang gaanong traffic nga­yong Linggo dahil kagaya ng dati, mas marami ang mag-stay muna sa bahay o sa mga lugar kung saan mapapanood ang laban ni Manny Pacquiao kay Adrien Broner.

At dahil lagi nga ka­ming nakakabasa ng tsika mula kina Nanay Lolit Solis at ilang mga sportswriter friends na naruruon to watch and cover the game, ramdam na ramdam din namin ang “inis” nila sa ipinapakitang angas at yabang nitong si Broner kapag nasa harap daw ng media.

Pero kapag may Pinoy fans and supporters naman itong nakikita o nakaka-piktyuran, “mabait” naman daw ito at laging sinasabi na “feel” nitong magbakasyon dito.

Samantala, mataas nga ang kumpyansa ng majo­rity na muling magtatagumpay ang ating senador na pagkatapos nga daw mag-pokus sa kanyang pagpapakundisyon, eh laging nag-aaya ng “bible sharing.”

But then again, sa mga inimbita nitong close friends and associates, hindi naman daw ito nakalimot magbigay ng “early shopping money” lalo pa’t na­ngako ito ng mas bonggang bonus sa Linggo.

Kalat na kalat na din ang tsikang manunuod nga daw si Floyd Mayweather na napauna nang nabalita na nagpahayag ng suporta kay Broner, habang ang ama naman nito ay nagawang silipin at puntahan ang training ni Pacquiao.

Marahil nga daw “pressured” din ang mga ito sa ­hamon ng “resbak” ng kampo ni Pacman kung mananalo ito.

***

Well-deserved ang parangal na ibibigay ng PBA Press Corps that is celebrtaing it’s silver anniversary para kay Wilfred Uytengsu, ang may-ari ng Alaska team.

Sa loob ng 33 years nila sa liga, marami-rami na din ang naging kontribusyon ng koponan sa antas ng laro at propesyonalismo at siyempre pa ang madami-dami na ding ‘superstars’ na na-produce nito.

Sa 14 na championship rings na nakuha nito kasama na ang grandslam noong 1996, walang pasubaling isa nga ang Alaska team at ang mahusay na pagma-man ni Uytengsu sa nagpasigla at nagbigay saya sa kasaysayan ng PBA.

Ang ilan nga sa mga magagaling na players na na-produce ng Alaska ay sina Kenneth Duremdes, Johnny Abarrientos at Jojo Lastimosa, habang ang pinakapaborito nitong coach na si Tim Cone ang halos nagsilbing “champion coach” nito sa buong kasaysayan ng koponan sa liga.

Si Luigi Trillo (whose father served as its team manager for a long time), ay nakapag-ambag din ng isang kampeonato para sa Alaska.

Nakakatuwa nga dahil kahit si megastar Sharon Cuneta na nagsilbing muse nito noon at kailan lang ay nag-muse sa kalabang Magnolia, ay ina-acknowledge ang naging kontribusyon ng team at mahusay na pamamahala ni Uytengsu hindi lang sa PBA, kundi maging sa pagiging household name ng naturang franchise.

***

Naku, gaano naman kaya katotoo ang tsismis na sinugod umano ng isang mayamang gay patron ang isang mayaman ding supporter ng isang sikat na basketball player dahil totoo daw pala ang nababalitaan nitong tsismis?
Na umano’y kasama nga ni sikat na player si mayamang gay supporter sa isang out of the country vacay noong holidays at pag-uwi nga nito ay mucho dinero na ito with matching mamahaling stuffs na uwi?

Simple kunong sumagot si sikat na player na akala daw niya ay “wala” na sila ni mayamang gay patron kaya’t free na siya na mag-entertain ng iba. Na sinabi pa ni sikat na player na meron ng iba si mayamang gay patron kaya naghanap din siya ng iba?

Hahahahahaha…nakakaloka ang tsismis na ito na para bang “normal” na lang talaga ang mga kagayang ganap? Hahaha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy