Una sa Balita

Mga atletang Pinoy kahanga-hanga

0 332

Dear Abante

Nakakatuwa naman na sa bawat diyaryong aking ­nakikita at nababasa ay hindi nawala ang balitang patuloy na humahakot ng gintong medalya ang ating mga atletang Pinoy sa iba’t ibang kategorya sa patuloy na isinasagawang 30th Sea Games sa ating bansa.

Nakakataba ng puso dahil kahit hindi ako atleta ay proud na proud ako sa sarili ko dahil isa akong Pilipino. Isa pa sa hinangaan ko sa ating mga atleta ay karamihan sa kanila ay mga sundalo o kabilang sa Sandatahang Lakas gaya na ­lamang nila Hidilyn Diaz sa larangan ng ­Weightlifting, ­Gilbert Ramirez sa Judo at marami pang iba na parehong nagkamit ng mga medalya. Hanga ako dahil ang mga sundalong ito ay ‘di lang palaban sa digmaan, sila rin ay palaban sa hamon ng tagumpay sa larangan ng palaro.

Salamat sa lahat ng ating mga atletang Pinoy sa ­karangalang kanilang ibinigay sa ating bansa at nawa’y ­patuloy pa silang magtagumpay sa patuloy na ­isinasagawang 30th Sea Games.

Amir Alih R Salic
Manila

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More