Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga atleta susuriin muna bago bakunahan

0 85

WALA pang klarong protocol ang Philippine Sports Commission (PSC) kung lahat ng Pinoy athlete na sasabak sa paparating na Tokyo Olympics sa Hulyo hanggang Agosto at ang 2021 Vitnam SEA Games sa pagtatapos ng taon ay required o hindi na maturukan ng bakuna laban sa coronavirus.

Ito ay dahil pinaghahandaan pa ng PSC ang anumang ihahayag ng Department of Health (DoH) hinggil sa pagsasaimplementa ng pagbibigay coronavirus vaccine para sa mga pambansang atleta.

Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na kanilang hinihintay anumang oras ang detalyeng magmumula sa DoH para sa pagsasagawa nito na pagturok ng mga vaccine sa mahigit na 800 kabuuang pambansang atleta at 300 coach na kabilang sa mga national sports associations (NSA).

“Wala pa. Mauna ang Athletes and Coaches. Later na employees,” sabi ni Ramirez, na umaasang mabibigyan lahat ng mga atleta at coaches dahil sa nakatakdang pagsabak sa mga qualifying events ng 2020Tokyo Olympics at pati na rin sa nalalapit na paglahok sa 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipnaliwanag din ni PSC Chief of Staff at National Training Director Marc Velasco na hinhintay nila ang advice ng DoH hinggil sa vaccination ng mga national athlete at coach dahil uunahin muna ang mga prayoridad na nasa frontline at kasundaluhan.

“We’re waiting for the DoH advice,” sabi ni Velasco habang agad na nitong inihahanda ang koordinasyon sa listahan ng mga NSA ng kanilang mga atleta na sasailalim sa evaluation kung may kasaysayan ng kanilang naging sakit.

“Mag-start na kami ng evaluation and pinag-aaralan din namin ang nakasaad sa playbook,” sabi ni Velasco. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.