Una sa Balita

Mga atleta sa SEAG suportahan – Pia

0 262

“OUR slogan is very simple – ‘We win as one!’ Magkakasama tayo sa hirap at ginhawa. We don’t want our athletes to feel alone. We are together, we are supporting you.”

Ito ang mensahe ni Sen. Pilar Juliana ‘Pia’ Cayetano sa mga atletang Pinoy para sa kanilang laban sa darating na 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30-Disyembre 11 kung saan host ang bansa.

Sa panayam ng mga reporter sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac, binigyang-diin ni Cayetano ang kahalagaan na maramdaman ng mga national athlete na sila ay sinusuportahan ng gobyerno at ng buong sambayanan.

Nitong nagdaang linggo, binista ni Cayetano, dating manlalaro ng national women’s volleyball team nang nasa kolehiyo pa, ang bagong mga pasilidad sa magiging main hub para sa 11-bansa, 12-araw na tuwing dalawang taong paligsahan.

“Naging national athlete din ako, sa volleyball. Tandang-tanda ko pa, sa Rizal Stadium (sa Manila) kami natutulog at gumigising around 4:30 to 5 am to run. Some of us, including myself, still have classes. So we have to have our training very early,” pagbabalik tanaw ng senadora.

“The fact that we were going to represent our country, honor na ‘yun. Pero iba pa rin ang inspiration na makatakbo ka [in a world-class facility like this]. So here I am, decades after that opportunity to represent our country. When I see these facilities, I am so happy for our present generation of athletes,” dagdag niya.

Tiwala si Cayetano na ang mga atletang ay masaya sa magandang pasilidad ay magreresulta sa maganda ring ipakikita ng mga ito sa kanilang mga laban.

“Our athletes will be able to train and focus in the next few months in an inspired manner; in a way that they feel na suportado sila ng gobyerno, suportado sila ng mga Pilipino,” wakas ni Cayetano. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy