Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga atleta kalma lang – Fernandez

0 128

TIIS muna ang payo ni PSC Commissioner Ramon Fernandez sa mga atleta na nais magbalik sa training.

AtaT na ang national athletes, lalo na ang mga naghahangad ng tiket para sa 2020 Olympic Games sa susunod na taon, sa balik ensayo.

“Personally, I think we just really have to wait for the vaccine to come before we can do all these, especially para sa mga contact sports,” saad ng dating PBA superstar sa panayam ng PTV News.

SM food to go Banner Ad

Dahil sa COVID-19 pandemic ay nahinto ang mga sporting event kasama ang training ng mga atleta noong pang Marso.

Hindi pa pinapayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik ng contact sports tulad ng boxing.

Apat pa lamang ang may ticket sa Tokyo Olympics kabilang sina gymnast Carlos Edriel Yulo, Ernest John Obiena at mga boksingerong sina Eumir Felix Marcial at Irish Magno. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.