Una sa Balita

Mga atleta, coach, opisyalmag-ingat po sa COVID-19

0 332

Grabe na talaga ang Novel Coronavirus 2019 o COVID-19 ng Wuhan, China!

Nasa mahigit 1,500 na ang mga namatay at may mahigit 67,000 na ang mga nahawaan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Sangkaterba na rin ang mga nakanselang sporting event hindi lang sa ating bansa kundi sa iba’t ibang kontinente rin ng mundo.

Gaya nang mga nasabi ko na sa ilang paglabas ng FTS, inuulit ko po ang aking paalala sa ating mga atleta o manlalaro, kanilang coach, trainer, mga opisyal na sports na mag-ingat po tayong lahat mabuti para makaiwas tayo sa virus.

Wala munang kamayan o kamustahan, beso-besohan, yakapan at iba pang kontak. Mabuti na ito kaysa sa magsisi pa tayo sa dakong huli.

Tinatawagan ko rin ang mga kawani ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission at iba’t ibang national sports association, ingat din po kayo riyan sa Teachers Camp sa Baguio, Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PhilSports Complex sa Pasig.

Pati marahil mga pribadong kompanya at mga tanggapan ng ating gobyerno, marahil magkaroon na ng thermometer para masuri ang mga papasok nilang mga empleyado. Para kung may sinat ay mapauwi na agad.

Magkaroon din marahil ang mga tanggapan ng mga alcohol o hand sanitizer para magamit ng ating mga kabayan, kasama na rin sa mga bus terminal, mga pantalan o pier, paliparan at ang MRT at LRT.

Ugaliin nating maghugas din ng kamay tuwing bago kakain.

Kung babahing naman, magtakip tayo ng tisyu, panyo face towel habang nasa opisina, sasakyan, o mga pampublikong lugar.

Iwasan muna nating sumama sa maraming mga tao, gaya nang panonood ng sine, pagpunta sa mga mall. Kundi maiiwasan ay magsuot palagi ng face mask para din sa ating proteksyon sa nabangit na virus.
***
Hanggang sa susunod pong Linggo. Ingat po tayong lahat palagi. God bless us all!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More