Una sa Balita

Mga Atenista, AMA sanib sa D-League

0 289

Panalo agad ang AMA Online sa PBA D-League kamakailan sa larong ginawa sa Ynares sa Pasig.

Nagtulungan sina dating Ateneo player Aaron Black, Vince Tolentino at Fran Assuncion kasama ang mga AMA school-based player Alvin Fuentes, Niko Alina, Alec Catorce, Christian Germino, Dean Ericko Martin at Rochil Sair.

***

Sisipa Agosto 8-18 ang World Police & Fire Games sa China. Lalahukan ito nina P/Lt. General Camilo Pancratius P. Cascolan, P/SSg. Abul Khair Bayabao at dating kong teamate na si Olan Omiping pati dati kong player sa AMA na si P/Cpl. Jarold Dia.

***

Magkakaroon na ng AMA Cup Season 3 sa October kaya puwede na po magpa-register sa AMA University sa basketball at volleyball events.

Libre po ito sa pangunguna ng inyong lingkod bilang AMA sports director at sa walang sawang suporta ni AMA Chairman Amb. Amable R. Aguiluz V at President Dr. Amable C. Aguiluz IX.

Bukas ito sa lahat ng club, school at barangay teams sa Metro Manila. Layunin ng torneo na mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng klaseng manlalaro na makalaro ng libre at ma-experience makalaban ang iba’t ibang manlalaro mula sa iba’t ibang lugar at eskuwelahan.

***

Iba ang pinapakita ni Aaron Black sa AMA Online sa D-League dahil siya sa dalawang sunod na triple double na dati ring ginawa ni former AMA Online player Jeron Teng ng Alaska.

Isa si Black sa parating handa sa basketball. Alam natin na ‘di niya nakuha ang minuto na kanyang gusto sa Ateneo sa UAAP pero hindi siya sumuko.

Kaya ngayon nagbu­nga na. Hindi naging mahirap sa akin ang paghawak sa kanila ni Andre Paras kasi pareho ko na sila nahahawakan nu’ng mga bata pa sila.

***

Nakapanood ako ng live sa Game 1 ng PBA sa Araneta Coliseum at ‘di maganda ang umpisa ng serye na nanalo ang TNT. Pero sa Game 2 ay ipinamalas ng dalawang koponan ang double overtime game at nagwagi ang San Miguel kaya 1-1 na ang serye.

Parehong pinagbubutihan at pinagpaplanuhan nila ang Game 3.

***

Binabati ko si Coach Glenn Terania ng Hotshots sa nalalapit niyang 3on3 tournament na gaganapin sa AMA University.

Inaanyayahan kayo ng dating PBA player na si Allan Salangsang na lumahok sa kanyang basketball camp sa Taytay, Rizal at si Coach Michael Kirsh sa kanyang basketball camp sa Valanzuela at Quezon City.

Pakikontak n’yo sila sa kanilang mga Facebook account at page.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy