Una sa Balita

Mga artistang sinira ng droga

0 598

Naging malaking balita sa buong mundo ang pagkakaospital ng American singer na si Demi Lovato dahil sa pag-overdose nito sa paggamit ng drugs na heroin.

Bagama’t buhay at nasa maayos na kalagayan na si Lovato, hindi mawawala ang stigma na isa siyang drug user na ilang beses nang sinubukang magpa-rehab, pero parati na lang ito bumabalik sa kanyang nakasanayang bisyo.

Ang paggamit ng droga ang isa sa nagiging problema sa mga tao sa entertainment industry, mapa-celebrity, director, writer ay hindi ligtas kapag nalulong na ito sa pinagbabawal na gamot.

Dahil sa ‘war on drugs’ ni Pangulong Rodrigo Duterte, marami nang celebrities ang nahuli at nakulong dahil sa paggamit or pagbenta ng illegal na droga.

Anyway, heto ang ilang celebrities na may malaking pangalan na sa industriya, na kahit nagbago na, tinalikuran na ang droga, pero hindi pa rin mawala sa kanila ang image na pagiging drug user.

MARK ANTHONY FERNANDEZ:

Isa sa naging matinee idols of the ‘90s si Mark Anthony Fernandez at nasa 20’s pa lang siya ay nalulong na siya sa pinagbabawal na gamot at pumasok sa Bicutan Rehabilitation Center noong 2004.

Naging sober si Mark sa paggamit ng illegal drugs at nag-concentrate ito sa kanyang career. Naging paboritong leading man siya sa TV at nakapareha pa sa mga teleserye sina Regine Velasquez, Heart Evangelista, Marian Rivera, Sunshine Dizon, Iza Calzado, Camille Prats at Jennylyn Mercado.

Noong October 3, 2016 inaresto at nakulong si Mark for possession of 1 kilo marijuana, with an estimated street value of P15,000 sa Angeles, Pampanga. Nang kunan ng drug test ang aktor, positibo ito sa marijuana.

Isang taong nakulong si Mark at noong December 2017 ay napalaya ito at na-dismiss ang kanyang drug case. Nagbalik sa pag-arte si Mark via the teleserye Ang Probinsyano.

JM DE GUZMAN:

Isa sa mahusay na aktor ng kasalukuyang henerasyon si JM de Guzman. Mabenta siya sa indie films at maging sa pagbida sa mga teleserye, pero inamin nito na gumamit siya ng pinagbabawal na droga at siya na mismo ang nag-volunteer para pumasok sa isang rehab center.

Una siyang nagpa-rehab ay noong 2014 at ang paggamit daw niya ng drugs ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola.

Pangalawang beses ay noong 2015 dahil naging problema siya sa set ng pelikulang Walang Forever kaya siya pinalitan ni Jericho Rosales.

Maraming projects ang nawala kay JM dahil sa epekto ng droga sa kanya na panic attacks, depression at bipolar disorder.

Ngayon ay clean and sober na sa droga si JM at nagbalik na ito ulit na maging leading man sa teleserye na Araw Gabi.

JIRO MANIO:

Marami ang nanghinayang sa dating award-winning child actor na si Jiro Manio dahil sa murang edad ay nasira na ng droga ang kanyang pag-iisip na siyang naging dahilan kung bakit siya nakitang pagala-gala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 at nanlilimos.

Nakitang gusgusin ang batang aktor at ang kanyang naging kakaibang kilos at pag-iisip ay epekto raw ng withdrawal niya sa paggamit ng illegal drugs.

Noong 2011 pinasok si Jiro ng kanyang pamilya sa isang rehab center at noong nakalabas, hindi nila alam na mas malaking pagsubok pa sa aktor ang withdrawal.

Ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na ang nag-asikaso kay Jiro at ito na ang nagpilit na ipasok siya ulit sa isang rehab center.

May dalawang anak na si Jiro sa kanyang ka-live in na girlfriend. Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ni Jiro, at nagbabalak bumalik sa showbiz.

COGIE DOMINGO:

Kabilang si Cogie Domingo sa mga sumikat na young actors noong early 2000 at nabigyan ito ng pagkakataon na maging leading man sa mga teleserye at magbida sa mga pelikula.

Pero ang mga balitang drug user daw si Cogie ang siyang naging dahilan nang biglang pagkawala niya sa showbiz ng matagal na panahon.

Noong muling magparamdam ito, may pamilya na ito at gustong muling subukan ang suwerte niya sa showbiz.

Noong October 27, 2017 ay nahuli si Cogie ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa droga. Pero itinanggi ito ng aktor at sinabing na-frame up lang daw siya.

Nakulong siya ng tatlong araw pero nakapagpiyansa ito. Since then ay wala nang nabalitaan tungkol sa aktor.

ALMA CONCEPCION:

Marami ang nagulat nang ibalita noong 1998 ang pagkakahuli ng former Bb. Pilipinas-International 1994 na si Alma Concepcion sa bansang Guam dahil sa possession and importation of shabu sa Agana International Airport.

Nag-plead guilty si Alma sa natagpuang .08 grams of the illegal substance.

Napagbayaran ng former beauty queen ang kanyang pagkakasala nang makulong siya sa Guam. Sa kanyang paglaya, sinigurado ni Alma ang kanyang pagbabago. At maging example sana ang nangyari sa kanya sa mga kabataan ngayon na ginagawang laru-laro lang ang paggamit ng pinagbabawal na droga.

KRISTA MILLER:

Kilalang sexy star si Krista Miller na lumabas na sa ilang pelikula at TV shows. Na-link siya sa aktor na si Cesar Montano at naging dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa aktor ang misis nitong si Sunshine Cruz.

Naaresto si Krista noong 2016 sa isang buy-bust operation na ginawa sa Valenzuela City. Pero bago pa iyon, na-link na ang kanyang pangalan sa mga convicted drug lords.

Nitong nakaraang May 2018 ay nakalaya na si Krista after being acquitted of illegal drug trading raps, a violation of the Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act No. 9165).

SABRINA M.:

Isa si Sabrina M. sa mga sexy star noong ‘90s at dahil sa isang surveillance video ng Quezon City Police District, nakita siyang gumagamit ng mga illegal substance.

Tatlong plastic sachet ng shabu, mga disposable lighter at iba pang drug paraphernalia ang nakita ng anti-illegal drugs operation sa isang bahay kunsaan natimbog ang dating sexy actress.

Sa kanyang pag-aresto noong September 25, 2016, nagbigay din daw si Sabrina ng isang listahan ng ilang pang celebrities na involved sa illegal drugs.

PAUL ‘BONG’ ALVAREZ:

Inaresto naman noong June 2017 ang former PBA star na si Paul ‘Bong’ Alvarez sa Sikatuna Village habang nasa isang drug session ito sa isang barber shop.

Dating mister ng aktres na si Almira Muhlach si Alvarez, pero matagal na silang naghiwalay dahil sa kinaso ditong domestic dispute. May isa pang kaso si Alvarez na pananakit sa kanyang girlfriend.

KAREN BORDADOR:

Ang RX 93.1 Radio DJ na si Karen Bordador ay inaresto kasama ang kanyang boyfriend na si Emilio Lim noong nakaraang August 2016 dahil sa natagpuang P3 million worth of ecstasy, marijuana, and marijuana oil sa kanilang condo sa Pasig City.