Una sa Balita

Mga artistang lumaban sa pambababoy

By
0 380

Hindi mawawala sa showbiz ang mga tinatawag na body-shaming. Sila ang mga mahilig mamintas sa hitsura ng katawan ng mga celebrity on social media.

Kelan lang ay nakaranas ng body-shaming ang aktres na si Iza Calzado dahil sa pinost nitong photo sa social media na naka-bikini siya. Matindi ang panlalait na natanggap ni Iza sa isang netizen, pero nagawa namang maipagtanggol ng aktres ang kanyang sarili sa pagsabi na hindi siya perpektong tao na may perpektong katawan.

Tama si Iza. Nobody’s perfect, lalo na pagdating sa pisikal na kaanyuan. Pinagtatrabahuan ito para maging maganda at para na rin sa kalusugan.

Kaya naman gumawa kami ng list ng ilan pang mga celebrity na nakaranas ng body-shaming at kung paano nila inayos ang kanilang sarili at ano ang nais nilang ipaabot sa mga taong hinihiya sila.

SHARON CUNETA:
Hindi na bago ang body-shaming para kay Megastar Sharon Cuneta. Hindi pa uso ang social media ay marami na siyang pintas na natatanggap dahil sa kanyang bilugang katawan.

Through the years ay unti-unting tinanggap ni Sharon na gano’n talaga ang katawan niya. Dumating pa raw sa punto na dumaan siya sa depression dahil sa mga pintas sa katawan niya.

Heto ang isang post ni Sharon sa kanyang social media account:

“Besides my size, I have long been back to being ‘me,’ maybe a different me, but a stronger, kinder, more considerate and more appreciative, maybe even a little wiser me than before. And definitely a lot more grateful.

“I think I have stayed fat because my size has been overshadowed and overpowered by my personal happiness. And it’s true that that just may be one of the best things I can take away from this — because that can only mean that I have had my priorities straight!

“BUT, I know now that there are other things that I can still do, in spite of, or maybe even because of my present weight and appearance!”

AGA MUHLACH:
Isa si Aga Muhlach sa naging problema ay ang kanyang timbang. Ito raw ang dahilan kung bakit tumanggi siya na gumawa ng pelikula or TV show for six years dahil hindi niya nagugustuhan ang sarili niyang katawan.

“Hindi ko kaya na lumabas na leading man na ganitong itsura ko, dahil hindi ko gagawin ‘yun,” sey pa ni Aga.

Pero dahil sa marami nga ang gustong bumalik siya sa pagiging aktibo sa showbiz, tinanggap niya ang isang pelikula na hindi siya required na magpapayat. Ito ay ang pelikulang Seven Sundays.

Sa naturang pelikula ay natanggap na ng publiko na gano’n na ang hitsura ng dating matinee idol noong ‘80s and ‘90s.

Ngayon ay tanggap na ng aktor ang kanyang pagiging overweight, pero ginagawa naman niya ang dapat para hindi pa madagdagan ang timbang niya, lalo na’t dalawang pelikula ang tinatapos niya.

CHARLENE GONZALEZ:
Ang misis ni Aga na si Charlene Gonzalez ay naka- ranas din ng body-shaming bago pa man siya maging isang beauty queen. Inamin ni Charlene na noong bata siya, tawag sa kanya ay Miss Piggy.

Malakas daw kumain si Charlene ng mga matatamis kaya throughout high school sa Amerika ay kinukutya siya ng mga classmate niya.

Pero nagkaroon ng determinasyon si Charlene na ipakita na kayang magpaganda ng katawan. Noong tumuntong ng college si Charlene, doon na siya nagsimulang mag-diet at mag-workout.

Nagawa pa niyang sumali sa isang beauty pageant at nakuha niya ang titulong Bb. Pilipinas-Universe 1994.

Sa Miss Universe pageant na ginanap dito sa Pilipinas noong taong iyon, nakapasok Top 6 finalists si Charlene at nakuha pa niya ang Best in National Costume award.

AIKO MELENDEZ:
Isa pa si Aiko Melendez na parating kinukutya dahil sa kanyang katawan. Teen actress pa lang daw si Aiko ay ang timbang na niya ang nagiging issue. Hanggang sa magdalaga, magkaanak ng dalawang beses at maging mature actress na siya, hindi pa rin siya tinatantanan ng mga body-shamer.

“One day I got tired of people calling me Fat and Ugly but I sincerely thank those people, I needed those actually to wake up from this nightmare.. Being fit and healthy is a choice that you make. Especially when you live in a world full of judgment. Its never too late,” diin pa ni Aiko.

Sey pa ng aktres, ginawa niya ang magpaganda ng katawan para sa sarili niya at hindi para sa mga taong laging inookray ang katawan niya.

RAYMOND GUTIERREZ:
Tanggap na raw ni Raymond Gutierrez na siya na ang tinatawag na “fat twin” ni Richard Gutierrez. Kahit saan daw siya magpunta, ang tawag sa kanya ay ang “matabang Richard Gutierrez”.

Pero bigla raw niyang na-realize na may magagawa pa siya para hindi siya matawag na “fat twin”. Kailangan ibahin na niya ang nakasanayan niyang lifestyle.

“I decided to focus on myself and on my health. I was overweight, always drinking and having late nights.

My lifestyle before wasn’t really the healthiest. I kept focusing on work, I would open our nightclubs, throw events and launches, do hosting, do a reality show. I kept focusing more and more on work, I never really focused on myself.

“So, I said it’s time I focused on myself. I kind of pressured myself to do it now. I started working out. I started watching what I ate, removing the things that were bad for me.”

Na-achieve nga ni Raymond ang gusto niyang pangangatawan. Ngayon ay naging endorser pa siya ng isang healthy na pagkain at nagiging inspirasyon siya ng maraming nawalan na ng pag-asang pumayat.

SOLENN HEUSSAFF:
Parang hindi ka maniniwala na sa sobrang sexy ni Solenn Heussaff ngayon, dati pala ay matabang bata siya.

Kuwento ni Sos na noong 8 years old siya, parati siyang pinagsasabihan na ubusin ang pagkain na ini- hahain sa kanya. Bawal daw na may matirang pag- kain sa plato.

“They were forcing us to finish our food kasi be- cause it’s not polite to leave your food on the table. So ‘di ko alam, nasanay na ko nang kumain nang marami.”

Kaya sa school daw ay tawag kay Sos ay Free Willy. Kinumpara siya sa isang dambuhalang killer whale.

Noong mag-aral sa Paris si Sos, doon daw siya ulit nakaranas na magkaroon ng unhealthy eating habits.

Kaya umuwi siya ng Pilipinas at sinimulan niyang mag-yoga na nakatulong sa pagpapayat niya.

Ngayon ay maintained ang figure ni Sos. Kahit na kumakain daw siya ng marami, iwu-work out lang daw niya iyon the next day para walang maipon na fat sa katawan niya.

JESSY MENDIOLA:
Inamin ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola na dumaan siya sa matinding depression dahil sa pamimintas ng marami sa katawan niya. Halos mawalan na raw siya ng kumpiyansa sa sarili at lalo lang daw siyang napakain nang marami.

“I was bullied, body shamed with bashers calling me names like pata, baboy, taba, etc. I felt really down and started losing my confidence.”

Pero nagawa ni Jessy na labanan ang kanyang depression at nagsimula niyang mag-diet, mag-exercise at muling ibalik ang dating masayang personality niya.

“I started building myself up again despite what other people say,” diin pa niya.

Kaya noong piliin siya ng FHM na maging covergirl noong 2016, doon na naging worth it ang lahat ng hirap na pinagdaanan ni Jessy, physically and emotionally.