Una sa Balita

Mga artistang luhaan sa pagsungkit ng Miss Universe crown

0 704

Isang linggo na lang at Miss Universe na!!!

Ito ang araw na hinihintay ng mga beki at ng mga pageant fan. Sa araw na ito, tiyak na sarado ang mga parlor, karinderia at sari-sari store dahil hindi puwedeng abalahin ang nanonood ng Miss Universe.

Kanya-kanya na ng pili ang mga beki kung sino ang papasok sa Top 10. At siyempre, hindi puwedeng wala ang ating Miss Philippines na si Gazini Ganados.

Aabangan din ang farewell walk ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Gustong makita ng marami kung ano ang kanyang suot na gown at kung gagawin ba niya ulit ang kanyang pinasikat na slow-mo at lava walk.

Naging dream nga ng maraming kababaihan ang makoronahan bilang Miss Universe kaya pursigido silang sumali sa maraming beauty pageants.

Balikan natin ang ilang local actresses at TV personalities natin na nangarap na maging beauty title holder, pero naudlot ang chances na masungkit ang korona para magdala sa kanila sa Miss Universe.

KAREN TIMBOL

Ang former “That’s Entertainment” mainstay na ito ay may making of a beauty queen kaya noong umabot na siya sa tamang edad, sinali siya sa Bb. Pilipinas noong 1995. Pero hindi sinuwerte si Karen dahil ang nanalo ng korona para mapadala sa Miss Universe ay kapwa artista niyang si Joanne Santos a.k.a. Joanne Quintas. Pumasok si Karen bilang semi-finalist lamang.

STELLA WHITE

Bago ni-launch sa pamamagitan ng sexy movie na “Sambahin Mo Ang Katawan Ko”, naging isa sa candidates ng Bb. Pilipinas in 1996 si Stella White a.k.a. Stella Ruiz. Umabot naman sa semi-finalist si Stella pero hindi siya pinalad na makakuha ng isang beauty title. Ang pinadala sa Miss Universe that year was Aileen Damiles na napanalunan ang special award na Miss Photogenic.

FRANCINE PRIETO

Dahil sa malaking bulas si Francine, na ang tunay na pangalan ay Anna Marie Falcon, madali itong makapasok sa mga beauty pageant. Bago siya sumali sa Bb. Pilipinas in 2003, nanalo na siya bilang Elite Model Look Philippines 1994, sumali sa Bodyshots Philippines at ni-represent ang Pilipinas sa Miss Southeast Asia Peninsula International Pageant kunsaan nakuha niya ang 2nd runner-up place. Sa Bb. Pilipinas, umabot siya sa Top 12. Ang pinadala that year sa Miss Universe ay si Carla Gay Balingit. Pinasok na ni Francine nang tuluyan ang showbiz sa paggawa ng mga sexy movies sa ilalim ng Seiko Films.

WENDY VALDEZ

Nakilala si Wendy Valdez dahil sa reality competition program na “Pinoy Big Brother Season 2” kunsaan naging 3rd placer siya at pinagbida siya agad sa ABS-CBN teleserye na “Margarita”. Sumali si Wendy sa Bb. Pilipinas in 2005 at pumasok siya sa Top 11 semi-finalist. Pero bigo siyang makuha ang korona dahil nagwagi noon para mapadala sa Miss Universe ay si Gionna Cabrera na nakuha rin ang special award na Miss Photogenic.

RICH ASUNCION

Taong 2009 nang sumali ang GMA artist na si Rich Asuncion (real name Richelle Angalot) sa Bb. Pilipinas 2009. Produkto si Rich ng reality artista search na “StarStruck: The Next Level” in 2006 kunsaan hinirang siya bilang First Princess. Hindi nga sinuwerte si Rich na makuha ang Bb. Pilipinas-Universe crown na napunta kay Bianca Manalo. Pero naging 1st runner-up naman si Rich at pinagpatuloy niya ang kanyang pagiging artista sa GMA-7.

PATRICIA TUMULAK

Nakilala si Patricia Tumulak bilang HBD Girl ng “Eat Bulaga”, pero nagsimula rin siya sa pageant circle. Una siyang sumali sa Miss Philippines Earth in 2009 at nakuha niya ang title na Miss Philippines Fire. Sumali siya sunod sa Bb. Pilipinas 2011 at pumasok siya sa Top 10. Pero ang nagwagi that year ay si Shamcey Supsup na naging 3rd runner-up sa Miss Universe.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy