Una sa Balita

Mga artista sinisi sa pagkawasak ng YouTube

0 878

Sunod-sunod na ang mga celebrity na gumagawa ng sariling YouTube channel. Ang magkaroon ng personal video blog or vlog ang uso ngayon sa showbiz dahil mas marami silang puwedeng i-share ngayon bukod sa mga photo, video.

Paraan din daw ito para kumita ng extra ang mga celebrity. The more subscribers na makuha nila, mas lalapitan sila ng advertisers para i-promote ang produkto nila sa kanilang YT channel.

Dahil sa nangyayaring ito ngayon sa YouTube, hindi na raw special ngayon ang magkaroon ng personal vlog. Naging commercial na ito at bumaba na raw ang dati ay exclusivity ng pagkakaroon ng YT channel.

Sa latest vlog ng isa sa naging pioneer sa vlogging on YouTube na si Wil Dasovich na “Are Artistas Ruining YouTube? (REAL TALK)”, nag-share siya ng ilang comments ng netizens regarding sa mga celebrity na pinasok na rin ang pagkakaroon ng YT channel.

Isang netizen ang nagtanong kung kulang pa ba ang kinikita ng mga artista ngayon sa mga TV networks at pati ang YouTube ay pinagkakakitaan pa nila?

“Bakit halos lahat ng mga sikat na artista may YouTube channel na? I mean, hindi pa ba sapat ang kinikita niyo sa ABS at GMA? Ibigay niyo na sa mga content creators. Wala naman talaga akong magagawa pero napupunta sa kanila ang views eh ang yayaman nanamannila. Hehe.”

Sey naman ni Wil, na isa ring celebrity dahil sa pagsali niya sa reality competition program na “Pinoy Big Brother”, malaking tulong daw ang pagkakaroon ng YT channel ng mga celebrity dahil lahat naman daw ay makikinabang.

“Ultimately artistas coming to YouTube brings more viewers on the platform and in return this brings more advertisers so everyone wins.”

Isa si Wil sa kilalang vlogger sa Pilipinas since 2014. Kinaaliwan ng marami ang mga YouTube video niya kung saan nagsasalita siya ng Tagalog at beki words. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy