Una sa Balita

Mga artista pumalag sa problema sa IG, FB at tubig

0 549

Ang problema sa tubig at social media ang mababasa mong reklamo ng mga artista kahapon.

Oo naman, pagdating sa krisis sa tubig ngayon, apektado rin ang mga artista, no! Sabi nga, ke mayaman ka, o mahirap ka, sa ganitong problema, pantay-pantay ang lahat.

Pero, mas bongga pa rin siyempre ang mga mayayaman, dahil may pambili sila ng mga tubig. Kaya nilang maligo ng mineral water.

Eh, ang mga poor, kailangan nilang pu­mila, magtiyaga sa rasyon na tubig mula sa gobyerno. ‘Di ba nga, nag-aaway-away na ang iba dahil sa tubig ngayon.

Kaya super trending din ang #KapagWalangTubig kahapon, ha!

Si Bianca Gonzales nga, ikinuwento na nag-igib ang dyowa niyang basketbolista, si JC Intal sa bahay ng mga magulang nito, dahil sila man ay wala ring tubig.

Ganun din si Ai-Ai delas Alas na nag-post sa Instagram niya ng schedule ng pagkawala ng tubig.

“Lakas maka-4th world na hehe – hay naku ang Pilipinas nating mahal ano na nga…” sabi ng Comedy Queen.
Heto naman ang chika ni Christian Bables: “Parang gusto ko na lang maki-share sa fish tank ng arowana ko. Kainggit eh. Enjoy na enjoy siya sa tubig nyeta!”

Pero siyempre, idinaan pa rin sa biro ng iba ang pagkawala ng tubig. Nanawagan sila kay Ladya Magtalas (karakter ni Sarah Geronimo sa movie nila ni John Lloyd Cruz) na mag-rain dance ito para mapuno ang dam at hindi na mamroblema ang mga Pilipino sa tubig.

At kahapon nga, problemado rin si Anne Curtis at iba pang artista sa kanilang mga social media account, like Instagram at Facebook.

“Hey guys! Is your IG account acting up? I can’t access mine!”
“Ang dami kong gustong i-share! Shemay naman noh! What does shemay actually mean by the way? Basta alam ko ginagamit siya pag bad trip. Hahahahaha!

“Hello Instagram what’s happening to my account!” ang sunod-sunod na tweet ni Anne.

Sa Twitter nga niya inilalabas ang inis niya, dahil hirap nga siya sa Facebook at Instagram.
Ganun din ang ibang mga artista na nagtatanong kung bakit hindi sila maka-access sa IG nila.

Sabi ng iba, global Instagram and Facebook crisis daw ito. Kaya ang Twitter account ng Instagram, nag-tweet na rin sa problemang ito.

“We’re aware of an issue impacting people’s access to Instagram right now. We know this is frustrating, and our team is hard at work to resolve this ASAP,” tweet ng Instagram.

“If I see the words ‘Retry Sending’ one more time…” sabi naman ni Lea Salonga.

Dahil diyan pasok tuloy sa mga nag-trending na story ang #instagramdown at #facebookdown.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy