Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga artista, empleyado kabado sa hakbang ng kongreso

0 635

Sabi ni Rep. Lito Atienza, oras na para pagbotohan ng Kongeso ang prangkisa ng ABS-CBN. Pitong hearing na raw ang ginawa at ‘di pa rin tapos. Ito na raw ang pinakamahabang hearing para sa isang prangkisa.

Siyanga pala, pumayag na ang mga artista at talent manager na bawasan ang kanilang talent fee. Marami nga ang na-touch na ang mga artista na mismo ng ABS-CBN ang tumutulong sa network dahil pumayag silang makaltasan ang talent fee nila ngayon para makatipid ang network.

Malaking hamon sa network ang nangyaring shutdown at pati ang pandemya. Sabi nga, P30M to P35M ang halaga ng TV commercial na nawawala sa kanila kada araw na ‘di sila umeere.

Kung ganito kalaking halaga ang nawawalang kita sa ABS-CBN araw-araw, hindi malabong mga empleyado na ang susunod na tamaan. Nasabi nga ng ABS-CBN na baka magsimula silang magtanggal ng mga empleyado sa Agosto kung hindi pa rin makakabalik sa era ang Dos.

Sa usaping ito, mahalaga ang bawat araw na dumadaan. Ibig sabihin, nalalagay sa panganib ang trabaho ng mga empleyado sa bawat franchise hearing sa House of Representatives na walang napupuntahan.

Kaya sigaw ng mga tao, pagbotohan na ng mga mambabatas kung pabor sila o hindi na bigyan ng franchise ang ABS-CBN. Kahit ang Kapusong Mareng Winnie Monsod ay hindi natutuwa sa takbo ng hearing dahil paulit-ulit ang mga isyu at tanong.

At nagtatanong na rin ang mga tao kung bakit pinatatagal pa ng Kongreso ang hearing?

Hiling nila na pakinggan ng Kongreso at isipin ang mga constituent nila na nawalan ng pagkukuhanan ng entertainment at balita sa TV at radio. Tumatakbo ang oras at nalalagay na sa panganib ang trabaho ng 11,000 worker ng ABS-CBN.

Leave A Reply

Your email address will not be published.