Una sa Balita

Mga anak ni Pacquiao ‘di gago, bastos

0 659

Kinatuwa ng maraming netizen ang vlog ng Pacquiao Family dahil kitang-kita ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Sa pinost na video sa YouTube channel, makikita ang isang typical Sunday sa bahay ng Pacquiao Family mula sa kanilang mga ginagawa sa bahay hanggang sa pag-attend nila ng church service.

Kapag nasa bahay sila, nagbo-bonding pa rin sila sa pamamagitan ng pagsayaw. Ang naturang video ay nakakuha ng higit na 900,000 views at tumataas ito araw-araw.

Nakatanggap ng maraming papuri ang bonding ng ­Pacquiao Family. Kahit nga saksakan sila ng yaman, ramdam mo ang pagiging humble nila dahil sa simpleng paraan ng kanilang pagsasama.

Heto ang ilang comments:
“Not spoiled kids, good job Jinky and Manny.”
“I’m glad to see how Manny and Jinky raised their ­children, they are very simple, humble and well-mannered. A family that prays together, stays together.”

“Wonderful family. I love them all. God bless this family.”
“The Pacquiao children are not brats and so well mannered and sweet to each other, really good kids!! Manny and Jinkee you are the mirror of your children. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More