Una sa Balita

Mga Ampatuan walang kawala sa bitay — Mangudadatu

0 527

KUMPIYANSA si Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu na ang mga pangunahing akusado sa Ampatuan massacre case ay mahahatulan ng guilty oras na ibaba na ang hatol sa Disyembre 19

“In my mind, tala­gang may solid verdict na guilty sila. Sigurado kami na may conviction ‘yan,” diin ni Mangudadatu sa ANC.

Umaabot sa 58 indibiduwal ang pinatay, kabilang ang 32 kagawad ng media noong Nobyembre 23, 2009.

Kasama sa nasawi ang asawa ni Mangudadatu na maghahain sana ng certificate of candidacy ni Esmael sa Shariff Aguak para labanan sa pagka-gobernador si Andal Ampatuan Jr., ang pa­ngunahing suspek sa masaker.

Isinama nila ang sangkatutak na media sa paniniwalang hindi sila gagalawin ng mga Ampatuan subalit pati sila ay pinatay din.

Nanindigan si Mangudadatu na si Andal Ampatuan Jr. ang siyang nagpapatay sa 58 biktima

“Broad daylight ginawa ‘yung massacre. Siya mismo nag-abot ng baril,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Mangudadatu na dito masusubok kung may umiiral pang hustisya sa bansa.

Hawak ng Quezon City Regional Trial Court ang kaso at ang promulgasyon ay gagawin sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy