Una sa Balita

Mga AlDub fan galit kay Arjo

By
0 864

Handa na kaya si Arjo Atayde sa bashings na matatanggap niya nang mag-leak ang larawan nila ni Maine Mendoza na ‘exclusively dating’ sa isang resto sa Makati?

Kilala ang fans ng AlDub bilang isa sa pinaka-selosang group of fans na kahit sino ang ma-link sa kanilang idol ay pinuputakti ng iba’t ibang nega comments o pamba-bash. Ngayon pa lang ay may nakikita na ako na nagwawala na AlDub fans.

Sa larawan pa naman ay kitang-kita na enjoy na enjoy si Maine si company ni Arjo and vice versa, kaya maaaring maging daan muli ito sa pagseselos ng mga fan nina Maine at Alden Richards.

Para sa iba naman, isang simpleng bonding moment lang ito sa dalawang magkasama sa pelikula na Jack Em Poy: The Pulis Credibles na pinagbibidahan nina Coco Martin at Vic Sotto, kaya hindi dapat bigyan ng malisya.

Wala namang nakikitang romantic angle sa dalawa dahil open secret naman sa publiko ang pagkakaroon ng girlfriend ni Arjo na si Sammie Rimando.

Siguro nga dahil ngayon lang sila nagiging close at nagkakilala, kaya ‘yung chance na ‘yun na mas lalo pa nilang makilala ang isa’t isa para hindi sila nagkakailangan sa set ay kanila nang kinuha ang pagkakataon.

But for those na makikitid ang utak, aba, baka this time ay nanggigigil na sila kay Arjo at pagsuspetsahan pa nila itong isang hilaw na mangga, you know.

Well, responsable naman sina Maine at Arjo sa kanilang naging aksiyon at sa palagay namin ay ipagkikibit-balikat lamang nila ito dahil para sa kanila ay isa lamang itong ordinary at normal na date ng dalawang bagong magkaki­lala.

Korekek!