Una sa Balita

Mga aktibista pinabugbog sa HK triad

0 366

TINATAYANG 45 katao ang sugatan, isa ang nasa kritikal na kondisyon, matapos na kuyugin ng criminal gang na tinatawag na triad, ang mga pro-democracy activist na pauwi na makaraang lumahok sa mapayapang kilos-protesta sa Hong Kong nitong Linggo.

Pinagdududahan ng oposisyon na pinabugbog ng Hong Kong government ang mga demonstrador sa criminal gang dahil sa walang pulis na nakadestino sa train station sa Yuen Long area.

Nakasuot ng puting t-shirt, nakamaskara at may bitbit na pamalo nang pumasok ang gang at pinukpok ang mga demonstrador sa loob ng MTR station noong Linggo nang gabi.

Ayon naman kay HK Chief Executive Carrie Lam, nabigla siya sa ginawang pag-atake ng gang pero kinondena rin niya ang mga demonstrador dahil sa ginawang pambababoy sa main representative office ng China.

Kinastigo naman ng mambabatas na si Lam Cheuk-ting, isa sa sugatan sa pag-atake, ang Hong Kong police dahil parang pinapayagan na nila ang mga triad na manakit sa mga inosenteng sibilyan.

Tweet naman ni pro-democracy lawmaker Ray Chan: “Hong Kong has 1 of the world’s highest cop to population ratio. Where were @hkpoliceforce?”
Paliwanag naman ni HK police chief Stephen Lo, nasa ibang lugar ang mga pulis at abala sa pagkontrol sa anti-government protest.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy