Una sa Balita

Mga ahensiya ng gobyerno pinakikilos sa pagsirit ng presyo ng bilihin

By
0 131

Naniniwala si Senador Kiko Pangilinan na malaki ang maitutulong nang mahigpit na mo­nitoring ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang matiyak na napoprotektahan ang taumbayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. 

Sinabi ni Pangilinan na dapat gawing epektibo ng gobyerno ang mga ahensiya nito upang mabantayan ang presyo. 
Hindi naman anya nararapat ang pagpapatupad ng price cei­ling sa gitna ng krisis na na­raranasan. 

“Dapat maipatupad ang suggested retail price o SRP at dapat itong i-monitor ng mga ahensiya ng gobyerno,” saad ni Pangilinan sa tanong kung nakatutulong ang monitoring sa gitna ng pagtaas ng pres­yo ng mga bilihin. 

Kasama anya rito ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI). 

Bukod anya rito, na­rarapat na palakasin ang kakayahan ng mga magsasaka na makapagtanim nang mas marami upang magkaroon ng maraming ani. 

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senador Cynthia Villar na maaaring palakasin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga equipment. 

Maaari anya itong ida­an sa mga mga grupo ng magsasaka o pagtatayo ng kooperatiba.