Una sa Balita

Mga aftershock nararanasan pa rin sa Davao Oriental

0 408

Ni Tina Mendoza

PATULOY na nakararanas ng mga aftershock ang mga residente ng Governor Generoso, Davao Oriental kasunod ng naranasang 7.2 magnitude earthquake noong nakaraang Sabado.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala ng panibagong 3.0 magnitude na lindol na may lalim na 19 kilometro sa lalawigan kahapon nang umaga at asahan umano na masusundan pa ito sa mga susunod na araw.

Samantala, niyanig din ng 3.6 magnitude na lindol ang Sarrangani, Davao Occidental.

Alas-5:25 nang madaling-araw nang maganap ang lindol na may lalim na 78 kilometro kung saan tectonic ang pinagmulan ng lindol na wala namang inaasahang pinsala at aftershock.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More