Una sa Balita

Mga aberya sa BOL plebiscite pagsubok bago ang 2019 polls – PPCRV

0 378

Tinawag na “wakeup call” para sa Commission on Elections (Comelec) at iba pang nangangasiwa ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) ang naranasang mga aberya rito.

Ayon kay Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Vice Chairman Johnny Cardenas, dapat itong ituring na pagsubok ng komisyon para isaayos ang mga problema sa susunod na mga halalan.

Naniniwala naman ang election citizens arm na maayos pa rin ang kabuuang proseso ng plebesito.

Tinukoy nito ang komunikasyon at seguridad sa mga polling precinct na isa sa mga dapat na ayu­sin ng poll body.

Samantala, maagang natapos ang canvas­sing ng poll body para sa u­nang bugso ng resulta ng plebesito sa BOL kahapon nang umaga.

Ganap na alas-11:30 nang umaga nang i-adjourn ang pulong dahil wala pa silang natatanggap na certificates of canvass of votes (COCV) at statement of votes (SOV) mula sa mga lugar na pinagdausan ng plebisito.

Bunsod nito, nagpasya ang Comelec na muling magpulong para sa canvas­sing ng mga balota nga­yonag ala-una nang hapon.

Umaasa ang poll body na may available ng certi­ficate ngayong araw upang maisagawa na ang canvassing.(Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy