Una sa Balita

Mexican president huhubaran ng immunity

0 804

Ginulat ni President Andres Manuel Lopez Obrador ang mamamayan ng Mexico matapos nitong sabihin na ipapadala niya ang panukalang batas sa Kongreso upang alisin ang kanyang immunity sa kaso.

“We are ending the impunity established in the constitution. It will not be possible to put the president on trial like any other citizen,” wika ni Lopez Obrado na kilala sa kanyang inisyal na AMLO.

Sa ilalim ng kons­titusyon ng Mexico, maaari lamang kasuhan at litisin ang presidente sa ‘high crimes and acts of treason.’

Kasabay nito ay ipinahayag din ni Lopez Obrador na babawasan niya ng 60% ang tatanggapin niyang suweldo, hindi rin gagamitin ang presidential jet at mansyon.

Mahahagip din ng pay cut ang mga nagtatrabaho sa gobyerno, korte, central bank at state oil company Pemex.

“When a public official agrees to be paid 600,000 pesos a month, that’s corruption. In a country with so much poverty, for a public servant to earn what some have been earning up to now, that is an act of dishonesty.” diin ng bagong pangulo ng Mexico.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy