Una sa Balita

Metro Manila Subway kasado na!

By ,
0 660

PATUTUNAYAN ng Malacañang na hindi lamang hanggang ­pangarap ang planong Metro Manila Subway ng pamahalaan.

Inanunsiyo ni Presidential Spokesman Sal­vador Panelo ang groundbreaking cere­mony ng Metro Manila Subway kahapon na magiging kauna-una­hang underground railway system sa Pilipinas.

Tatawagin aniya itong “project of the century” dahil ikinukunsidera itong ­major transformational ­project sa mass transport sa bansa.

“The critics say it can never be done. The ­cynics say it is just a dream. We are pleased to announce today’s groundbreaking ceremony on the Metro Manila Subway, which will be the first-ever ­underground railway system in the Philippines,” ani Panelo.

Sa sandaling matapos ang proyekto, magiging 30 minutos na ­lamang ang biyahe mula Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 sa bilis na 80 kilometer per hour (kph).

Magkakaroon ito ng 15 stations at ang ­unang tatlong station ay magiging operatio­nal sa 2022, ayon sa ­pahayag ng Department of Transportation (DOTr).

Sinabi ni Panelo na babantayan nila ang progreso ng proyekto at ibinibigay ng Palasyo ang buong suporta sa DOTr at iba pang ahensiya para matapos ang proyekto na mapapakinabangan ng ­sambaya­nan. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy