Una sa Balita

Metro Manila naka-full alert 40 dayuhang terorista nakapasok sa bansa

By
0 2,570

Naglunsad ng malawakang manhunt ope­rations ang Philippine National Police (PNP) katuwang ang iba pang security organizations sa bansa para mahanap ang sinasabing 40 foreign terrorist na umano’y napasok sa bansa.

Una nang sinabi ng Western Mindanao Command (WesMinCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na 40 foreign terrorist ang umano’y nakapasok na sa Pilipinas gamit ang southern backdoor ng bansa.

Hihigpitan na rin ng mga awtoridad ang pagbabantay sa mga border ng bansa upang mapigilan ang pagpasok ng ibang terorista.
Hinihiling naman ng PNP ang kooperasyon ng publiko sa pagmamagitan ng pagsusumbong kung may mga kahina-hinalang tao sa kanilang lugar.

Samantala, naka-full alert status ngayon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kasunod nang pagkakaaresto kamakailan sa biyuda ng mga nasa­wing terorista na sina Khadafy Janjalani at Zulkifli bin Hir.

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde, bagama’t wala pa naman silang natatanggap na banta ng terorismo sa buong Metro Manila, itinaas na nila ang alerto ng lahat ng pulisya sa Metro Manila.

“Mabuti na pong alert ang ating mga pulis sa anumang kaganapan dahil maaring may mga teroristang grupo ang magplano ng pag-atake anytime kasi sa pag-aresto sa biyuda ni Marwan,” wika ni Albayalde.

Noong weekend ay naaresto na si Jumoree Dongon kasama ang apat na iba pang hinihinalang terorista sa Lanao del Norte.

Bilang biyuda ng dalawang terrorist lea­ders may malaking papel si Dongon sa terrorist groups at mayroon din umano itong ugnayan sa Abu Sayyaf group at Southeast Asian terror group na Jemaah Islamiyah.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy