Metro Manila nag-panic buying ng face mask, Batangas nawalan

By
0 680

Nagkaubusan na ng mga face mask sa mga botika sa Parañaque, Las Piñas, Maynila, Alabang at ilan pang lugar sa Metro Manila nitong Lunes.

Out of stock na rin ang mga N95 mask sa ilang mga supplier sa Shopee.

Ang N95 face mask ang rekomendado ng marami kaugnay sa pagsabog ng bulkang Taal dahil nasasala nito ang mga abo kapag humihinga para hindi magkaroon ng sakit sa baga.

Ang mga surgical mask na mataas na rin ang demand dahil nagkaubusan na ng N95 ay biglaan ding nagmahal.

Sa lalawigan ng Quezon, inireklamo ng netizen na si Paloma Isaac Vargas na sumipa na sa P35 ang isang piraso ng surgical mask na dati’y nasa P2 lamang ang bawat isa.

Nagkaubusan na rin sa Batangas kung saan matatagpuan ang Taal Volcano.

Ilang netizen ang dumulog sa social media kung may alam na bilihan ng face mask dahil hirap ang mga taga-Batangas na makabili nito.

“Anyone po na may alam ng n95 mask? Yung walang patong sana. Helping my friend na taga batangas. Thank you in advance,” ani @ballenas_riza.

Isang netizen na si @RenzoMontes09 ang nag-abiso na namimigay siya ng libreng N95 mask sa Batangas.

“We will be giving free N95 mask to our community here in Mabini, Batangas,” tweet niya.

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...