Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Metro Manila mas maiksi na curfew

0 13

Mas maiksing curfew ang papairalin sa Metro Manila sa pagpapatupad ng Alert Level 4 na may granular lockdwon simula Setyembre 16, ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos.

Ang curfew sa rehiyon ay mula alas-10:00 ng gabing gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.

“Ito ho’y inuusad na. Nagbotohan kami (Metro Manila mayors), ilalabas namin ang resolution na ang implementasyon isasabay sa pilot, magiging alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga,” pahayag ni Abalos ngayong Martes.

Sa gitna ng patuloy na umiiral na modified enhanced community quarantine sa NCR, ang curfew ay nagsisimula ng alas-8:00 ng gabi at natatapos ng alas-4:00 ng madaling-araw. (Aileen Taliping/Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.