Una sa Balita

Metro Manila lulubog sa reclamation project

0 510

NANGAMBA si Deputy Speaker at Pangasinan Rep. Rose Marie ‘Baby’ Arenas sa posibleng paglubog at iba pang trahedyang sasapitin umano ng National Capital Region (NCR) kapag nagpabaya ang pamahalaan at hindi pa nagdeklara ng total ban sa plano pang reklamasyon sa Manila Bay.

Ipinaalala ni Arenas ang isang ulat noong 2017 kung saan ay sinabi ng geologist na si Kevin Rodolfo na dapat umanong maalarma ang pamahalaan sa estado ng lupa sa Metro Manila dahil lumulubog na ito dahil sa sobrang pagbobomba o pum­ping ng ground water na resulta naman ng patuloy na paglaki ng populasyon.

“This, combined with the effects of glo­bal warming, the rising sea level, and the fact that the NCR is barely one meter above sea level near the coastline, makes the NCR a recipe for disaster. Reclamation will speed up the sinking of the land, either from the withdra­wal of groundwater, or from the added weight of buildings, or both,” pahayag ng kongresista.

Dahil dito, hinikayat ng lady solon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Economic Development Authority (NEDA), Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (Pagasa), Philippine Reclamation Area (PRA), Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magdaos ng multi-sectoral consultation sa panukalang reclamation project sa Manila Bay.

Kung mamumulat lang aniya ang taumbayan, hindi na siya magugulat kung maaalarma ang mga ito sa ginagawang pagmamadali para maisakatuparan ang mga reclamation project sa Manila Bay

Nauna na ring inihain ng Makabayan bloc sa Kamara ang House Bill 9067 na nagnanais na ideklarang reclamation-free zone ang buong Manila Bay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy