Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Metro Manila, Cebu GCQ pa

0 380

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila gayundin sa iba pang probinsya hanggang Agosto 15.

Kabilang pa sa mga nasa GCQ ang Cebu, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu, Lapu-Lapu City, Mandaue, at Zamboanga City.

Sa hiwalay na pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nilinaw nito na kabilang din sa mga nasa GCQ status ay ang Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal sa Luzon; Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Minglanilla at Consolacion sa Cebu para sa Visayas; at Zamboanga City sa Mindanao.

Habang ang iba pang lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ) hanggang sa Agosto 15, 2020.

“Para ma-sure din ang purgatoryo ninyo,” sabi ng Pangulo. “Itong mga sinabi ko, tiis-tiis muna kayo,” aniya pa. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.