Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Metro Manila, 4 pang probinsya posible sa GCQ

0 306

Maaari umanong luwagan na ng gobyerno ang quarantine status sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal simula sa susunod na buwan kung dadami ang hospital bed para sa mga COVID-19 patient.

“The soonest, of course, would be May, starting May,” ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa isang panayam sa telebisyon kung saan tinanong sa kanya kailan puwedeng ilipat sa general community quarantine (GCQ) ang NCR Plus.

Dapat muna aniyang malutas ng gobyerno ang high occupancy rate sa mga intensive care unit ng mga ospital para sa mga severe COVID-19, at dapat din magkaroon ng epektibong contact tracing bago mag-GCQ.

Samantala, hinimok naman ng OCTA Research Group ang pamahalaan na huwag munang alisin sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at apat pang nabanggit na probinsya hanggang hindi pa tuluyang bumababa ang reproduction number ng COVID-19 at kahit pa nakikitaan ng pagbagal ang pagkalat nito.

Sinabi ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, ang reproduction number ng COVID-19 ay dapat munang maging “less than 1” sa loob ng ilang linggo bago tuluyang magpasya ang pamahalaan kung paluluwagin na ang restriksiyon sa Metro Manila. (SDC/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.