Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Metro Manila 1 linggo pang ECQ

0 73

Inaprubahan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na isa pang linggong enhanced community quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng patuloy pa ring pagtaas ng mga kaso ng tinatamaan ng COVID-19.

Kasabay ng pinalawig na ECQ ay inatasan ang local government unit na mahigpit na ipatupad ang prevention, detection, isolation, tracing at reintegration o PDITR.

“Karagdagang linggo, minimum one additional week beginning on the 5th sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal. Sasabayan po natin ng pinaigting na PDITR na i-monitor on a daily basis,” ani Roque.

Inoobliga aniya ng IATF ang lahat ng LGU na kabilang sa NCR plus Bubble na gawing araw-araw ang monitoring sa kanilang nasasakupan.

“Nire-require po natin ngayon na magkaroon ng daily monitoring ang mga lokal na pamahalaan, ang ating NTF czars para malaman natin kung ano ang resulta ng pinaigting naging PDITR,” dagdag ni Roque.

Kasama aniya sa PDITR ang pagbabahay-bahay, paghahanap ng mga merong sintomas at pagsailalim sa kanila sa PCR testing at sa isolation.

Ang desisyong pagpapalawig ng isa pang linggo sa ECQ sa NCR plus bubble ay resulta ng ginawang pulong ng IATF kahapon, isang araw bago mapasok ang naunang ipinatupad na ECQ.

Epektibo ang ECQ extension sa Abril 5 hanggang April 11, 2021. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.