Una sa Balita

Metro cockers sa Pasay, Mayo 10 na magtutuos

By
0 640

MALAKING grupo ng sultador mula sa Metro Manila at probinsya ang aasinta sa kampeo­nato ng “Jerald and Erica 4-Cock Derby” sa Biyernes, May 10 sa Pasay City Cockpit.

Aabot sa P400,000 ang premyo sa pader­bing ito nina PCC operations manager Erica Clemente at Jerald Picazo na mga hatid naman ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

May 40 hanggang 50 kahahok mula sa San Juan Coliseum, Roligon Mega Cockpit, La Loma Cockpit, Sta. Monica Cockpit, Elorde Stadum, Las Pinas Coliseum at gamefowl breeders  ng Laguna, Batangas at Rizal ang mga tinata­yang sasali, ani Picazo kahapon.

Noong Biyernes sa PCC, si Charlie “Atong” Ang ng Vikings entry na umiskor ng 5.5 points ang naging solong kampeon sa “JTC Kaingin Big Event 6-Cock Derby” na tinampukan ng 147 sultada.

Samantala, kasado na rin ang Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby “Pera Mo, Premyo Mo,” sa July 12, 19, 22 at 26.  

Ayon kay Nick Crisostomo, presidente ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), lahat ng entry fees na lampas sa P9 milyon ay ibibigay sa winners.

Sa iba pang mga detalye, kontakin sina Erica at Ace sa 0945-4917474, 0939–4724206, 843-1746 at 816-6750. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy