Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Mescaleros Tito Den RM Jepoy’ kampeon

0 108

NAGSANIB-PUWERSA ang mga tigasing breeder na sina Dennis Samsom at Ramon Mansenares upang maging solo champion sa katatapos na 3rd edtion ng “Basagan ng Pula” 12-Cock Derby na binitawan sa Lipa City Arena sa Batangas.

Gamit ang entry name na “Mescaleros Tito Den RM Jepoy”, umiskor ito ng 9.5 points sapat upang hamigin ang tumataginting na P30M premyo sa event na binansagang “The Ultimate Explosive Event” na napanood lahat ng sultada sa Pitmaster Live na pinamumunuan ng respetadong sabungero na si Charlie “Atong” Ang.

Kabilang sa mga tinalo ng “Mescaleros Tito Den RM Jepoy” sa three-day derby na sumiyapol noong Abril 29 hanggang Mayo 1 ay ang tigasing si Edwin Tose.

Inamin ni Samson sa interview ng “Sabong On Air” ni Ka Rex Cayanong na ang mga ginamit nilang bloodline ay mga Sweater na crossed sa Gilmore at halos mga 3 1/2 taon na ang edad ng kanilang warriors.

“Ilang buwan po namin hinanda ‘yung mga panlaban namin kasi hindi basta-basta ang mga kasali, magagaling ang mga kalaban,” saad ni Samson na 13-anyos pa lang ay nahilig na sa sabong at naging impluwensiya ang kanyang ama at mga kapatid.

Ayon kay Samson, tiyaga, sipag at determinasyon ang dapat gawin para makamit ang inaasam na tagumpay sa pagmamanok at kailangan bigyan ng tamang pansin at oras ang mga panlaban.

Mga nakatuwang nina Samson at Mancenares sina Bebot Jaspe (handler) at Norman De La Penia (gaffer). (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.