Una sa Balita

Meryll type papirmahin ng pre-nup ang bagets na manliligaw ni Willie

0 723

Sa presscon ng ­Culion, na kung saan ay bida sina Iza Calzado, Joem ­Bascon, Meryll Soriano, ay nausisa nga ang huli tungkol sa lovelife ng tatay niyang si Willie ­Revillame.

Sabi ni Meryll, isa lang naman ang hiling niya, ang maalagaan ng babae ang kanyang ama.

“‘Yun lang talaga ang gusto ko, na maalagaan siya, na maalagaan din niya ‘yung girl, na dapat equal,” sambit ni Meryll.

Wala ba talagang nag-aalaga sa tatay mo?

“Drama kasi niya ‘yon sa buhay niya, na walang nag-aalaga sa kanya. So tumatatak sa akin, na dapat ­maalagaan siya. ‘Yun lagi ang punchline niya.
Lagi niyang drama sa akin ‘yon. Malamig daw ang Pasko niya.”

Pero, may chika na may dini-date ito na ­19-year old na babae?
“Sinong 19 years old na babae? Wala naman akong…

“Basta ang sa akin lang ‘wag niya akong tawaging ate. Baka ­tawagin ko siyang mama. Maguguluhan ako. ­Hahahaha!” sabi niya.

Pero, hindi ba siya natatakot na baka magamit lang ang tatay niya?

“Matalino ang papa ko, hindi siya magpapagamit. I completely fully trust him.”

Pero, kung sakali, halimbawa lang na mauwi nga sa relasyon sina Willie at 19-year old na girl, at mauwi sa kasalan ang lahat, hihiling ba siya ng ‘pre-nuptial agreement’?

“Pre-nup? Of course!

“Pero hindi namin napag-uusapan ‘yon. Tinanong niyo lang ako, kaya ganu’n ang sagot ko. Hindi ko siya sinasabihan ng ganun. Kasi kung ano ang gusto niya, siya ang masusunod. Hindi ko naman pera ‘yon. Pero kung ako lang, gusto ko ang ­pre-nup talaga. ‘Yun lang ‘yon. Opinion ko lang ‘yon.

“Ako kasi, never akong naging kontrabida sa tatay ko. Wala akong say doon sa mga rela-relasyon. Hindi ko naman mabibigay ang kaligayahan niya roon.
Sa kanya ‘yon. May karapatan naman ­siyang lumigaya,” sabi na lang ni Meryll.

Anyway, puring-puri ni Meryll ang production ng Culion, dahil alagang-alaga nga raw sila. Imagine, kung gaano sila karaming ­artista, staff, mga tao sa likod ng kamera, lahat sila ay may insurance, at alagang-alaga sila sa pagkain.

Kaya hiling ni Meryll ngayong Pasko, lahat ng pelikulang kasali sa MMFF ay kumita, para mas ganahan ang mga prodyuser na gumawa pa ng mas maraming pelikula.

Pagdating sa best actress award, na kung saan ay posibleng makalaban nila ni Iza si Judy Ann Santos, sabi lang niya, kung sino ang manalo, respetuhin ng lahat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More