Una sa Balita

Meryl Streep as Donald Trump, bentang-benta!

By
Meryl Streep
0 3

Lahat na nga siguro ay kayang gayahin ng three-time Oscar winner na si Me­ryl Streep. Kamakailan ay nagbihis si Meryl bilang ang real estate tycoon at U.S. presidential candidate na si Donald Trump.

Ginulat nga ng aktres ang mga tao sa isang event dahil lumabas siya na suot ang wig na katulad ng buhok ni Trump. Naka-makeup din ito tulad ng orange tan ni Trump. Pati na ang damit with matching na malaking tiyan.

Noong magsalita na ito, nagtawanan ang lahat dahil gayang-gaya ni Meryl pati ang paraan ng pananalita at gestures ng mga kamay ni Trump.

Hindi naman daw nakaka-offend ang ginawa ng award-winning actress dahil nasa isang event siya kung nagkakatuwaan ang lahat. Hindi raw excuse si Trump na maging sentro ng katatawanan.

May nag-tweet nga na kung may award para sa paggaya kay Trump, runaway winner si Meryl Streep.