Una sa Balita

Merong matututunan sa PHL-Aussie brawl

By
0 2,133

NAGLARO nitong June 28, Thursday, sa Tungkong Mangga, San Jose Del Monte, Bulacan ang Legends na sina Johnny Abarrientos, Marlou Aquino, Noli Locsin, Vince Hizon, Eddie Laure, EJ Fiehl at Allan Caidic.

Nagtala o kaya gumawa na naman ng record si Pareng Triggerman sa lugar ng halos mahigit sa dalawampung 3 pointer sa lugar. Kahit sabihin na natin na lakaran lang ang laban at bumato ka nang dikit-dikit na pitong 3 pointer agad eh kakaiba ito kung ibabase mo sa edad, porma ng court at dilim ng lugar.

Marami pa ring na­tutuwa sa Legends dahil talagang hinahanap nila ang mga ganong klaseng tira na nakikita nila ngayon sa present day superstars ng NBA na sila Steph Curry at Klay Thompson.

Nandiyan pa rin ang mga dunk at finger roll ni Marlou Aquino. Ang mga nauusong EURO STEP ay madalas din naming gawin ni ‘The TANK’ Noli Locsin.

Ang mga spider dribble na ginagawa sa MILO BEST at mga tinatawag na ANKLE BREAKER ay kay Johnny Abarrientos naman na parte ‘yan.
Pagdating sa mga POWER MOVES o di kaya MAMA MOVES, siyempre si Cap Alvin ang may trademark diyan.

At ang panghuli na recruit namin na si Willie ‘Thriller’ Miller ay ang STUTTER STEPS niya o Hesitation move na siyang paborito ni Willie na may kasamang labas labi style.

***

Nag-KICK OFF nitong June 30, Saturday, ang NCAA sa UNIVERSITY PERPETUAL HELP DALTA AUDITORIUM. Sinalubong ako sa pinto ni Madam. Rose Lara (Marketing Head) na anak ni da­ting Major Paralejas na loyal supporter ng baseball. Kasama ko sa aking table ay si Coach Frankie Lim at Comm. BAI CRISTOBAL.

***
Nitong Lunes, nagtapat ang Gilas Pilipinas kontra Australia. Tambakan ang laban pero nauwi sa napa­kasamang pagtatapos sa PHILIPPINE ARENA pa man din na kung saan ginanap ang malalaking event sa Pilipinas.

Nagkasikuhan, nagsuntukan, namalo ng silya, pumapasok na ang mga manlalaro, coach at manonood sa gitna ng court para tumulong sa away ng Pinoy kontra Aussie.

Ang sama ng game management ng mga official ng FIBA at ang ating mga Gilas player ay napasobra, tila sobra din ata ang nood nila ng MMA (mixed martial arts) shows.

Nakakahiya sa ating mga bisita kung tutuusin pero hindi maiwasan ang physical game, pero ang maayos na tawag eh puwedeng ipatupad bago mag-umpisa ang laro.

Tanong ng mga nakararami kung may epekto pa ba ang away sa game? Siyempre wala na. Kung psywar ‘yon, sana ginawa ng mas maaga at baka nagbago pa ang laro. Kung gagawin mo naman ‘yan at halos imposible ka na makahabol, ‘yan ang tinatawag na ‘sour graping’ na lang.

May isang fan na nagtanong na baka naghahanap na lang ang GILAS PILIPINAS ng ALIBI sa napakasamang talo para mayroong maituro sa rason kung bakit tayo tambak.

Hindi biro ang GINASTOS ni Mr. Manny V. Pangilinan (MVP)para lang tayo ang mag-host ng FIBA Qualifiers. Humigit-kumulang daang milyon tapos ay mauuwi lang sa ganito.

Marami pa rin ta­yong mapupulot na aral pagdating sa competition. Kailangan ng pinaka-best talent available ang ipadala natin, balance of personnel atbp.