Una sa Balita

Mercury Drug, Watsons naubusan ng face mask, ‘di magtataas ng presyo

By
0 344

Naubos na ang stocks ng face mask sa malalaking drug store chain tulad ng Mercury Drug Corp. at Watsons Corp. dahil lumaki ang demand dito nang nag-umpisang bumulwak ng abo ang Bulkang Taal kahapon, Enero 12.

“Due to the influx of demand on face masks, we temporarily ran out of stock,” sabi ng Mercury Drug sa advisory nito, Lunes ng tanghali, Enero 13.

Halos mag-aalas kwatro naman ng hapon nang inanunsiyo ng Watsons na ubos na ang N95 mask nito. “Due to the high demand, N95 masks are temporarily unavailable in select Watsons stores,” sabi ng Watsons.

Kapwa sinabi ng Mercury Drug at Watsons na nakikipag-usap na sila sa kanilang mga supplier para muling madalhan ng face mask ang kanilang mga tindahan, lalo na sa mga lugar na malapit sa Taal Volcano.

Giniit naman nilang hindi sila magtataas ng presyo kahit tumaas ang demand sa nasabing safety gear.

“Mercury Drug does NOT HOARD face masks. PRICES will definitely NOT INCREASE,” sabi ng Mercury Drug.

“[W]e are currently working with our suppliers to make the item available in our stores as soon as possible. Our prices remain the same,” sabi naman ng Watsons.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More