Una sa Balita

Merchandiser nagulungan ng trak sa ulo

0 218

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang supermarket merchandiser matapos na ito ay abutin ng dobleng kamalasan habang nakamotorsiklo papasok sa kanyang trabaho sa Magdalena, Laguna Martes nang umaga.

Matapos matumba sa kalsada ang sinasakyang motorsiklo ng biktimang si Joshua Consolacion Marvella, 29-anyos, empleyado ng Puregold, nagulu­ngan pa ito sa ulo ng kasunod na elf truck.

Nagtamo ito ng grabeng pinsala sa ulo na agad nitong ikinasawi.

Batay sa imbestigasyon ni PMSgt. Emer­son Bautista, may hawak ng kaso, tinatahak ng biktima ang provincial road sakop ng Barangay Buenavista patungo sa direksyon ng town proper nang mag-slide ang motorsiklo nito sa gutter.

Nabuwal ang motorsiklo sa kalsada kasama ang biktima.

Hindi naman ito nakita kaagad ng driver ng elf truck na si Lorenzo Briones Galicio, 54, na noon ay patungo sa Sta. Cruz, Laguna kaya nasagasaan pa ito.

Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang nasabing dri­ver. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy