Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mercado tinawag na aktibista

0 978

Artista ka ba o aktibista? Yan ang tanong ng netizen kay Jennylyn Mercado dahil sa sunud-sunod niyang tweet na nagpapahayag ng paglaban niya sa gobyerno, lalo na sa pagpatay sa ABS-CBN 2.

@Aljen_Abelyn: “Himala at may time ngayon na mag-rant samantalang ang tamad mong maki-twitter party sa mga show mo, artist aka ba o aktibista?”

Nagtataka nga ang mga fan sa pagiging aktibo ni Jennylyn sa twitter ngayon. At may nagpapayo sa kanya na huwag na siyang sumawsaw sa problema ng ABS-CBN lalo na at GMA 7 talent siya.

“But I am a Filipino and that alone is enough. To be neutral or silent in times of injustice is injustice. If being “bashed” is a small price to pay for practicing my right to freedom of speech. Then I am fine with it,” sagot ni Jen sa kanila.

May mga nagdududa nga ngayon kung si Jennylyn ba ang may-ari ng account na `yon dahil magaling daw mag-ingles at makipag-debate.

Eh, sa totoo lang naman, sa mga interview nga kay Jen ay hirap siyang sabihin ang mga gusto niyang sabihin.

Sunshine Dizon tindera ng palaman

Ang paggawa at pagbebenta ng “cheese pimiento” sa online ang pinagkakaabalahan ngayon ni Sunshine Dizon. Makikita sa wall ni Sunshine ang mga bote na may tatak na “Sunshine Cheese Pimiento”.

Mahigpit ang bilin ni Sunshine sa kakagat ng kanyang produkto na siguraduhin ang order dahil fresh nya itong ginawa at hindi sya nagi-stock.

Kabilang si Sunshine sa mga artista na hindi mo aakalaing sasawsaw sa ganitong negosyo. Pero dahil sa kawalan pa ng regular na trabaho, kaya ito na muna ang ginagawa nila.

Sheryl type ang kamachohan ni Jeric

Ikinakilig ni Sheryl Cruz ang isang artwork na ginawa ng fan para sa tambalan nila ni Jeric Gonzales. Nakabalandra sa Instagram ni Sheryl ang larawan nila ni Jeric, na halos halikan na ng batang aktor ang 90’s aktres sa puwesto ng kanilang mukha sa photo.

Panay ang pasalamat ni Sheryl sa mga fan niya sumusuporta sa tambalan nila ni Jeric. Nagbiro pa si Sheryl na pumayag na siyang maging stalker sa tunay na buhay si Jeric.

“Kung ganyan ba naman ka hot ang stalker ko, papa-stalk na ko oras-oras…haha,” sabi ni Sheryl.

Dimples ayaw nang mabuntis

Naloka si Dimples Romana sa inuungot sa kanya ng bunsong anak na si Alonzo. Gusto kasi ng bata na magkaroon pang baby brother na siya ang mag-aalaga.

Pero, sinabi nga ni Dimples na ayaw na niyang mabuntis pa. Pero mapilit daw ang bata na gusto pa talagang magkaroon ng baby brother.

Kaya ang sagot na lang ni Dimples ay tatanungin ang asawang si Boyet tungkol sa pagnanais ng kanilang anak ng isang baby brother.

Leave A Reply

Your email address will not be published.