Una sa Balita

Mercado bumigay matapos ang trade

0 398

EMOSYONAL si Sol Mercado sa trade na nagdala sa kanya sa NorthPort mula Gineb­ra, pero tanggap na vete­ran guard ang pangyayari.

Fans at players, may naghayag ng simpatiya kay Sol Train.

Kasama ni Mercado sina Jervy Cruz at Kevin Ferrer na pinakawalan ng Gin Kings kapalit ni Stanley Pringle.

“Wait and see ang buong bayan kung aprubado ang super balanse na trade,” tweet ni Phoenix coach Louie Alas, sinamahan ng tawa at pahabol na nag-iba ang complexion ng trade kung may first round future draft pick na kasama.

Astig si Pringle, pero kasama naman sa rotation ang tatlong kapalit.

Hindi na raw sana magsasalita si Mercado, pero binaha ng mensahe ang kanyang phone, sa social media, tawag mula sa mga kakilala.

“I was still good, I was holding it together!” paliwanag ni Mercado sa Instagram. “Then comes tons of messages from the best fans in the world, that’s when I lost it!” (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy