Meralco-MVP tsinugi sa deal
PINUTOL ng pamahalaan ng Ghana ang concession agreement para sa operation at maintenance ng kuryente roon na nakuha ng kompanyang kasosyo ang Manila Electric Company (Meralco).
Sabi ng Meralco, tinerminate na ng Ghana ang concession agreement ng Power Distribution Service Ghana Ltd. para sa operation at maintenance ng assets ng Electricity Company of Ghana effective July 31, 2019 dahil sa “alleged material breaches” sa demand guarantees nito. Mayroong 30% na bakas ang Meralco sa PDS.
Hinihingi ng Ghana ang demand guarantees sa PDS bago nito ilipat ang assets ng ECG sa PDS.
Sabi ng Meralco, sumulat si Ghana Finance minister Ken Ofori-Atta na nagsasabing walang sapat na authorization ang kinuhaan ng PDS ng demand guarantee na Al Koot Insurance and Reinsurance.
Related Posts
Ayon sa Meralco, sinabi ni Ofori-Atta na may ipinagawang forensic audit ang Millenium Development Authority at sinabi nito na walang sapat na authorization ang Al Koot Insurance and Reinsurance at lampas sa kakayanan nito ang ibinigay na demand guarantee sa PDS.
Giit ng Meralco, kinuha ng PDA ang demand guarantees “in good faith” at wala itong kinalaman sa isyu ng Qatari insurance firm hanggang sa sinuspinde na ng Ghana ang concession ng PDS.
Ang Meralco ay pagmamay-ari ng binatang negosyanteng si Manny V. Pangilinan. (Eileen Mencias)