Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Meralco-MVP tinabla mga taga-Payatas

0 234

Kinampihan ng Court of Appeals ang Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V. Pangilinan sa desisyon nitong hindi bigyan ng koneksyon sa kuryente ang ilang mga urban poor na nakatira sa Payatas sa Quezon City.

Ayon sa online news site bilyonaryo.com.ph, ginamit ng 2nd division ng CA ang mga probisyon ng Anti-Electricity Pilferage Act para sang-ayunan ang Meralco sa hindi nito pagbibigay ng serbisyo sa mga miyembro ng Leyteno-Payatas Residents Association Inc. (LPRAI) na 30 taon nang naninirahan sa Legaspi Street, Sorsogon Street, Samar Street, Leyte Street at Sto. Nino Street sa Payatas B sa Quezon City.

Dinala ng LPRAI ang kaso sa CA nang binasura ito ng Regional Trial Court na nagsabing tama ang Meralco na hingan muna sila ng certification sa may-ari ng lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay na nasa pangalan naman ng Tofemi Realty.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa desisyon na sinulat ni Associate Justice Myra V. Garcia-Fernandez, sinabi ng CA 2nd division na hindi napatunayan ng LPRAI na may karapatan silang bigyan ng koneksyon sa kuryente kung hindi nito masusunod ang requirements ng Meralco kaya’t hindi maoobliga ang Meralco na bigyan sila ng koneksyon.

Kasama ang Tofemi Realty sa mga kinasuhan ng mga biktima sa landslide sa Payatas nung 2000. Nitong Enero 2020, inutusan ng Quezon City Regional Trial Court ang Quezon City government, MMDA, Ren Transport Inc., Meteor CO. Inc. na bayaran ang mga biktima ng P6 milyon bilang danyos, o P110,000 sa bawat 56 namatay sa landslide.

Ayon sa Philippine News Agency, ginawang relocation site ni dating QC Mayor Brigido Simon Jr. ang Payatas at binigyan ang ilan ng mga certificates of award nung 1999. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.